MGA FILIPINO, LIGTAS SA GITNA NG BAGONG KARAHASAN SA BEIRUT

Muling sumiklab ang karahasan sa Beirut noong Huwebes (Oktubre 14). Sa kabutihang palad, walang nasaktan na mga Filipino sa insidente ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Lebanon sa Facebook page nito.

“The Philippine Embassy in Lebanon reports that no Filipino was hurt in the recent street violence that rocked Beirut yesterday. The Embassy continues to monitor the developing situation,” ang pahayag ng embahada.

Batay sa ulat ng Reuters, may anim na Shi’ites ang nasawi noong Huwebes (Oktubre 14) sa Beirut. Ito ay mula sa pag-atake ng Hezbollah supporters na nagtipon para ipatanggal ang isang hukom na nag-iimbestiga sa naganap na pagsabog sa port ng siyudad noong nakaraang taon.

Ang ilang bansang tulad ng France at Estados Unidos (US)  pati na ang mismong United Nations (UN) ay nananawagan ng pagkalma pero iginiit na dapat hayaang magpatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa port.

Ang insidente ay itinuturing na pinaka-marahas na civil violence sa Beirut mula pa noong 2008. Gayunpaman, nananatiling ligtas ang mga Filipino na nasa lugar. Patuloy ang embahada ng Pilipinas sa pag-obserba sa sitwasyon.

Samantala, pinapaalalahanan ng Philippine embassy ang publiko na dapat sundin ang Alert Level 2 (Restriction Phase) sa Lebanon. Ito ay dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Dapat din maging maingat ang Pinoy at iwasan ang mga hindi importanteng biyahe at matataong lugar.

“The Embassy further reminds the public that Alert Level 2 (Restriction Phase) remains to be observed in Lebanon in view of the current political-economic situation, and urges the Filipino community to be vigilant and avoid non-essential travels and crowded areas at this time,” ang pahayag ng embahada.

Ang Filipino community sa nasabing bansa ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng mga sumusunod na contact information.

+961 70858086

beirut.pe@dfa.gov.ph

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show