MGA CUSTOMERS SA QC MALLS, KAILANGANG MAGPAKITA NG VAX CARDS

Nagbigay ng direktiba ang lokal na pamahalaan ng Quezon City noong Linggo (October 17) sa mga shopping malls. Ito ay ang paki-usapan ang mga kostumer na magpakita ng kanilang vaccination card bago pumasok sa loob ng mall.

Gayunpaman, papayagan pa ring pumasok ang mga walang vaccination cards pero doon lamang sa mga essential activities tulad sa pagbili ng mga groceries at pagkuha ng medical at government services.

Ang mga malls ay kailangan ding magsumite sa local government unit (LGU) ng mga pangalan ng hindi pa nababakunahan. Ito ay para gawan sila ng iskedyul sa pagbabakuna.

“As we want to vaccinate more people, we also directed mall managements to gather and list down the name, contact number, and barangay of unvaccinated patrons and submit it to the city government so they can immediately be scheduled for vaccination,” ang pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ang direktiba ay bahagi ng mga guidelines na ipinalabas ng LGU para sa Alert Level 3 na ipinapatupad sa Metro Manila (NCR) mula Oktubre 16 hanggang 31.

Magkakaroon din ng spot inspection ang LGU para masuri ang mga establiyemento tulad ng indoor venues, at kung sumusunod ang mga ito sa Safety Seal Standards na itinakda ng nasyonal at lokal na pamahalaan.

Inaasahan naman na magi-install ang mga sinehan ng heating, ventilatioin at air condition (HVAC) safety system. Kailangan din ang contact tracing forms mula sa mga manonood, pagbabawal sa pagdadala ng mga pagkain sa loob ng sinehan at madalas na paglilinis at disinfection. Ito ay para umayon sa “Sa Sine Safe Ka” program ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

Sa ilalim ng Alert Level 3, may ilang establisyementong papayagang magbukas sa 30% indoor venue capacity para sa mga nabakunahang indibidwal. 50% outdoor venue capacity naman sa mga empleyadong nabakunahan na. Ang mga may Safety Seals ay papayagang ng karagdagang 10% capacity.

Hinimok rin ng LGU ang mga residente na isumbong ang mga lalabag na establisyemento sa kanilang hotline 122 o sa website sa https://quezoncity.gov.ph/file-report

Binalaan naman ni Belmonte ang mga establisyementong lalabag sa protocol. Mahaharap sila sa parusang nakasaad sa “Republic Act 11332” o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show