MGA ANAK NG CELEBRITIES, NAG-ALA HIDILYN DIAZ NGAYONG UNDAS

Ilang anak ng mga celebrities ang nagsuot na parang si Hidilyn Diaz ngayong panahon ng Undas. Ikinatuwa naman ito ng ating weighlifting champion at ng maraming netizens sa social media.

Makikita sa Instagram account ni Hidilyn ang ilang mga bata na nakasuot ng blue uniform na trademark ng weighlifter habang nagbubuhat sila ng makeshift barbell. Ito ay para gayahin ang makasaysayang ginawa ni Hidilyn sa Tokyo Olympics ng masungkit niya ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas.

Kasama sa mga nagsuot na ala-Hidilyn ay si Dahlia Amélie, ang anak na babae nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Sa Instagram, sinulat ni Anne kung paano nagbibigay ng inspirasyon si Hidilyn sa mga kabataan.

“@hidilyndiaz inspiring the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dream,” ang post ni Anne.

SOURCE: GMA Network

Inilarawan din ni Hidilyn ang iba pang mga batang “Hidilyns” sa kanyang Instagram page. Sinabi niya na kung paano siya na-humbled sa tribute sa kanya ng mga bata.

“Natuwa po ako sa HD costume ni Dahlia (daughter of @annecurtissmith ) Nora (anak ni @bobbiestamaria ) , sa pamangkin ng Yoga coach ko @ayn_7 , at kay @jmbercedeyap,” ang sinulat ni Hidilyn sa post niya.

“I’m humbled by your tribute to me,” ang dagdag niya.

Hindi naman umiwas ang Olympic gold medalist sa kanyang responsibilidad bilang role model. Kaya naman, nagagalak siya dahil nabibigyan niya ng inspirasyon ang mga kabataan sa kanyang makasaysayang nagawa sa Olympics.

“Naging instrument lang po ako para magbigay ng karangalan sa ating bansa,” ang pahayag ni  HIdilyn.

“Mas mahalaga ang pagbuhat natin ang sarili nating responsibilidad, hindi lang para sa ating sarili, kundi para sa ating kapwa at bayan. Happy Halloween sa lahat!” Ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show