METRO MANILA, ISASAILALIM SA ALERT LEVEL 3 SIMULA OCT. 16

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) noong Miyerkules (October 13) ay inaprubahan ang rekomendasyon para isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3. Magsisimula ito mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31, 2021.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang al fresco o outdoor food establishments at restaurants ay maaaring magbukas ng 100% venue capacity. Ito ay kahit anu pa man ang vaccination status ng kostumer.

Ang mga indoor dine-in services ay maaaaring magbukas ng 30% venue capacity. Ito ay kahit anu pa man ang vaccination status ng kostumer.

Ang outdoor sports ay maaari rin magbukas ng 100% venue capacity. Ang indoor sports, courts, venues, fitness studios, gyms o iba pang leisure centers tulad ng swimming pools ay maaaring magbukas ng 30% venue capacity. Ito ay kahit anu pa man ang vaccination status ng kostumer.

Ang mga sumusunod na aktibidad ay maaari na ring magbukas ng 30% capacity sa ilalim ng Alert Level 3.

personal care services tulad ng barberya, hair spas, nail spas, at beauty salons

aesthetic at cosmetic clinics, make-up salons,  reflexology, aesthetics, wellness, at holistic centers,  at iba pang kaparehong establisyemento; acupuncture at electrocautery establishments, at massage therapy  tulad ng sports therapy establishments

establisyementong nag-aalok ng tanning services, body piercings, tattooing at kaparehong services

indoor tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, cultural shows, exhibits

indoor venues para sa meeting, incentives, conferences, at exhibitions (Subject to DTI & DOT Guidelines)

casinos, horse racing, cockfighting at operasyon ng cockpits, lottery at betting shops, at iba pang gaming establishments

indoor recreational venues tulad ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, at kaparehong venues

Gayunpaman, ang mga indoor entertainment venues tulad ng sinehan, at venues na may live performers tulad ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, at theaters ay ipinagbabawal pa rin.

Ang mga outdoor at indoor amusement parks o theme parks, funfairs/peryas, kid amusement industries tulad ng playgrounds, playrooms, at kiddie rides nananatiling bawal.

Samantala, inaprubahan ng IATF ang pagsasailalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Naga City para sa Luzon; at Zamboanga City at Zamboanga del Norte para sa Mindanao.

Isasailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, at Batangas para sa Luzon; Bacolod City, Capiz, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, at Bohol para sa Visayas; at Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Surigao del Sur para sa Mindanao.

Isasailalim naman sa GCQ ang Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, at Camarines Norte para sa Luzon; Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, at Tacloban City para sa Visayas; at Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cotabato City, at Lanao del Sur para sa Mindanao.

Samantala, ang lahat ng mga natitirang lugar sa bansa ay isasailalim sa Modified GCQ.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show