MCDONALD’S PH, NAGBABALA SA PEKENG SITES NA NAG-AALOK NG PROMOS AT DISCOUNTS

Ang McDonald’s Philippines ay nagbabala sa publiko laban sa mga pekeng websites na nagpapanggap bilang McDonald’s at nag-aalok ng promos at discounts.

Pinaalalahanan ng popular na fast-food company ang publiko na um-order lamang sa mga official channel nito tulad ng kanilang official website at isumbong ang mga pekeng sites sa kanilang email (writeus@ph.mcd.com). Ito ay para mahuli ang mga scammers na nambibiktima sa mga inosenteng kostumer.

“The company is committed to ensure the safety of our consumers not just when they enjoy their favorite McDonald’s meals, but also as they share credentials when they use its various ecommerce platforms,” ang pahayag ng kompanya.

“The public is likewise encouraged to be extra careful and to conduct transactions only on official and verified sites,” ang dagdag nito.

SOURCE: McDonald’s Facebook Page

Ang mga produkto ng McDonald’s ay maaaring mabili sa kanilang website, official mobile application, official Facebook page (McDonald’s), at mga third-party deliveries tulad ng Grab, FoodPanda, Lazada, Pickaroo, at GLife.

Samantala, sinabi ni McDonald’s Philippines Managing Director Margot Torres noong Hunyo na karamihan sa sales ng kompanya ay galing sa mga drive-through at delivery services. Ito ay dahil na rin sa quarantine restrictions na ipinapatupad sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang National Capital Region (NCR) ay sumasailalim sa Alert Level 4. Sa ganitong level ng paghihigpit, ang outdoor o al fresco dine-in services ay papayagan hanggang maximum na 30% habang ang indoor dine-in services ay papayagan hanggang sa 10%. Gayunpaman, ang ganitong dine-in setup ay para lamang sa mga fully vaccinated na indibidwal.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show