MAYOR ISKO MORENO, KINUMPIRMANG NAKIPAGKITA KINA ROBREDO AT PACQUIAO

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso noong Lunes (September 20) ang kanyang miting kina Vice-President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao ilang linggo bago ang pagfile ng kandidatura sa Oktubre para sa Eleksyon 2022.

“Yes, we had a meeting and Vice President Robredo so we’re trying to reach out to each and everyone. Ako naman mayroon ako taingang lagi na puwede makinig eh. Wala naman masamang makinig eh,” ang pahayag ni Moreno.

Gayunpaman, tumanggi ang alkalde na magbigay ng detalye sa naganap na miting.

“I’m not in the liberty to discuss the details. But I can confirm there was a meeting and hopefully there will be more meetings no na puwede namin pag-usapan ang mga bagay-bagay (where we can discuss things),” ang sinabi ni Moreno.

Ayon sa alkalde, umaasa siyang makakabuo sila ng desisyon mga ilang araw mula ngayon.

“I’m very optimistic that things will be better when we heal the wounds with our fellowmen. Mas madaling makaka-move on (It would be easier to move on),” ang sinabi ng alkalde.

Si Moreno ay pangulo ng Aksyon Demokratiko political party. Hindi pa niya ibinibunyag ang kanyang plano para sa Eleksyon 2022 pero may mga grupong nais siyang patakbuhin bilang presidente.

Nauna ng binaggit ni Roberdo na ang pakikpagkita kina Moreno at Pacquiao ay para i-konsidera ang pagbuo ng united anti-administration ticket para sa Eleksyon 2022.

Ang pagfile ng certificates ng kandidatura para sa nasyonal at lokal na posisyon ay nakatakda mula Oktubre 1 hanggang 8. Ito ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show