MAYOR ISKO MORENO AT DOC WILLIE ONG, TATAKBONG PRESIDENTE AT VP

Si Manila Mayor Isko Moreno ay kumpirmadong tatakbo bilang Presidente sa Eleksyon 2022 habang si Doc Willie Ong ang kanyang Bise Presidente. Ito ang inanunsyo ng Manila City Public Information Office (PIO) noong Martes (September 21).

“Confirmed,” ang pahayag ni Manila PIO chief Julius Leonen sa GMA News.

Sa isang panayam ng GMA News, kinumpirma rin ng campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo ang pagtakbo ng alkalde sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Isinagawa ang pormal na anunsyo ng Moreno-Ong tandem kaninang umaga ng Miyerkules (September 22).

Ayon pa kay Banayo, pinili ni Moreno si Ong na running mate dahil sa kakayahan ng doktor na malunasan ang pandemya sa coronavirus disease 19 (COVID-19).

Pinaalalahanan naman ni Moreno ang mga opisyal ng Manila City government na patuloy na tumutok sa pagsilbi sa kanilang mga nasasakupan matapos ang kanyang anunsyo sa pagkandidato.

“Tuloy ang gobyerno. We’re still here. I’m going to have to do what I have to do as the Mayor,” ang pahayag ng alkalde.

Si Moreno ay ang kasalukuyang pinuno ng Aksyon Demokratiko political party.

Samantala, si Ong ay nagtapos ng medicinal degree sa De LaSalle University at dati na ring naging consultant para sa Department of Health (DOH).

“Itong tambalan na ito ay pinag-isipan nang mabuti. Ayaw namin na political marriage. ‘Yung nag tambalan kasi malakas sa ganitong probinsya sa ganitong rehiyon,” ang pahayag ni Banayo.

“Ang gusto kasi ni Mayor Isko Moreno yung makakatulong sa pamamahala. Lalo na ngayon, mayroon tayong pandemya,” ang dagdag niya.

“Walang trabaho, nagugutom ang tao. Sana naman sa kalusugan ng tao, may tututok talaga.”

Tumakbo si Ong sa pagka-senador noong 2019 sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats.

Samantala, sinabi ni Banayo na nasa proseso pa sila ng pagpili ng mga kandidato sa pagka-senador.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang pagpapalista ng certificates of candidacy para sa nasyonal at lokal na posisyon ay itinakda mula Oktubre 1 hanggang 8.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show