MARIS RACAL TURNS 24

“This night was something else.”

Ganito inilarawan ng aktres at singer na si Maris Racal ang kanyang naging intimate birthday celebration noong September 22.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang larawan at kaganapan sa kanyang French-inspired dinner party na dinaluhan ng kanyang pamilya at kasintahang si Rico Blanco.

she turned 24 - YouTube
Photo Source: YouTube Maris Racal

Samantalang sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Maris kung bakit niya naisip na magkaroon ng ganitong klaseng birthday celebration.

Kwento niya, “So, it’s my birthday and wala akong nararamdaman. Dati ‘di ba sobrang excited natin mag-birthday pero ngayon parang wala na lang. Normal ba ‘to? Parang nagpa-panic ako kasi manhid na ba ako?”

Last minute daw nang maisipan niya na magkaroon lamang siya ng simpleng birthday dinner kasama ng kanyang pamilya dahil mahirap mag imbita ngayon lalo pa at pandemic.

Lahad ni Maris Racal, “Yeah, two days ago nag-panic ako kasi wala pala akong gagawin sa birthday ko. As in wala talaga akong gagawin kasi sobrang pre-occupied ako sa release ng ‘Asa Naman’, my latest single. So wala akong naiisip for my birthday. Sa day itself, wala akong gagawin. So two days ago, I called up Events by Miss P. … I thought, what if mag-dinner na lang kami sa bahay but this time, iba na lang? Like gawing ibang lugar ‘yung bahay ko, parang gawin siyang south of ‘France’. And gusto ko ‘yung food ko parang Italian cuisine. Kasi ‘yun ‘yung mga places na gusto kong puntahan.”

Samantalang isa sa highlight ng nasabing vlog ay ang pag-abot ni Rico kay Maris ng boquet of roses bago sila nag-pose para sa picture taking.

Watch here:

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show