MARCO GALLO, MAY MENSAHE KAY KISSES DELAVIN

“Kisses, post a little bit of your life more.”

Ito ang naging mensahe ng former PBB housemate na si Marco Gallo sa kanyang dating ka-loveteam na si Kisses Delavin sa nakaraang virtual press conference ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

ABS-CBN PR on Twitter: "Kisses Delavin and Marco Gallo are present in their  first movie with Maymay and Edward. #LITSpecialScreening… "
Photo Source: Twitter ABS-CBN

Matatandaang apat na taon na ang nakalilipas nang mabuwag ang kanilang tambalan na nagsimula sa reality show na Pinoy Big Brother.

Sa sumunod na mga taon, hindi na kailanman nakitang magkasama ang dalawa. Wala ring kahit anong interactions sa trabaho man o sa personal na buhay. Hindi na rin nila pina-follow ang isa’t-isa sa kanilang mga social media accounts.

Sa nasabing panayam sa Filipino-Italian actor, nabanggit nito na nabalitaan niya raw ang pagsali ng dalaga sa Miss Universe Philippines 2021. Masaya raw siya para dito dahil noon pa man ay alam niyang pangarap talaga ito ng dating ka-loveteam.

Saad ni Marco, “Kung dito ka masaya, then ipagpatuloy mo lang. I mean, wala naman akong masyadong interest sa mga pageant-pageant.

“Nalaman ko na lang din [na sumali siya]. Na-tag ako sa mga tagged posts ko sa Instagram. Nung narinig ko yun, parang sabi ko, ‘Aba, itinuloy niya pa rin ang pangarap niya.

“I was surprised. Kung gusto niya manalo, I mean, good luck,” dugtong pa nito.

Bagamat hindi naka-follow sa dalaga, tila updated ang aktor sa mga post ni Kisses dahil sa mga sumunod pa niyang makahulugang mensahe.

KISSMARC: Kisses DeLavin and Marco Gallo UNREQUITED LOVE! - Page 27 —  Showbiz - Loveteams — PinoyExchange
Photo Source: Pinoy Exchange

Ani Marco Gallo, “If she is listening right now, Kisses, post a little bit of your life more.

“All we see on your Instagram are Colgate and Palmolive. That is all we see, your sponsors.

“Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”

Tila kuryoso ang binata kung ano ang nangyayari ngayon sa personal na buhay ng aktres matapos nitong piliing maging pribadong tao.

Sa kabilang banda, sinagot naman ng TV host na si Kim Atienza ang mensahe ni Marco at sinabing hindi lahat ng bagay ay dapat ibahagi sa social media lalo na ang personal na buhay.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show