MANNY PACQUIAO, MAY WAX FIGURE NA SA MADAME TUSSAUDS HK!

Ang ating boxing legend at Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ay muling umukit ng kasaysayan sa pagkakaroon niya ng wax figure sa kilalang Madame Tussauds Wax Museum sa Hong Kong.

“I am amazed at the final product. It looks so much like me. I am excited for my fans to see this and get to take pictures. It’s like being together in the boxing ring,” ang pahayag ni Pacquiao.

“I’m honored to be chosen for this opportunity, and grateful to Madame Tussauds for their wonderful work on my wax figure,” ang dagdag niya.

Ang eight-division world champion ay kasama na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang dalawang natatanging Filipino na magkaroon ng sariling wax figure sa Tussauds.

Para maging extra special ang figure, ang mga kasuotang ginamit sa display ay donasyon mismo ni Pacquiao.

“Pacman fans will be delighted to see our take on Manny Pacquiao at Madame Tussauds Hong Kong. From the attire, the physical features and details, and even the setup, it will be like watching the boxing star in action,” ang pahayag ni General Manager, Hong Kong Cluster Eric Mak.

SOURCE: Rappler

Samantala, nakadisplay ang wax figure ni Pacquiao sa loob ng isang boxing ring. Ito ay para magkaroon ng pagkakataon ang mga fans na kumuha ng litrato habang tila aktuwal na nakikipaglaban ang senador.

Ayon naman sa Madame Tussauds, inabot sila ng anim na oras para sukatin si Pacquiao para sa kanyang wax figure.

“We put great effort in accurate detailing to bring an unmatched experience for fans of the global icons we have at Madame Tussauds. Our team is proud to launch such an iconic athlete at Madame Tussauds and we can’t wait for Pacquiao’s Filipino and global fans to see him in action at Madame Tussauds Hong Kong,” ang pahayag ng Tussauds.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show