MALACANANG, APRUBADO NA ANG LIMITADONG FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PILING LUGAR

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na maliit lamang ang panganib na mahawa sa COVID-19. Ito ang inanunsyo ni Malacañang at Education Secretary Leonor Briones noong Lunes (September 20).

Sa isang press briefing, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque, Jr. na ang mga napiling lugar ay magdedepende sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd). Bukod pa doon, ang mga face-to-face classes ay hindi gaganapin araw-araw kundi kalahating araw every other week.

“Kelangan may suporta ng local government units sa pamamagitan ng resolution o letter of support at kinakailangan po merong written support and consent ng mga magulang,” ang dagdag ni Roque.

Malugod namang tinanggap ni Briones ang pag-apruba ng Presidente sa limitadong in-person classes.

“This is wonderful, this is a great day tungkol sa edukasyon dito sa ating bansa,” ang pahayag ng Education Secretary.

Ayon kay Briones, ang mga Kindergarten classes ay papayagang may 12 estudyante habang ang Grade 1 hanggang 3 classes ay may 16 estudyante. Samantala, ang mga technical vocation classes ay maaaring magkaroon ng hanggang 20 estudyante.

“Para magkaroon ng space for distancing [So that there will be space for distancing],” ang dagdag ni Briones.

Ang mga klase mula sa Kinder hanggang Grade 3 ay tatagal hanggang 3 oras bilang maximum.

Ang face-to-face classes ay unang ipapatupad sa may 100 publikong paaralan at 20 pribadong paaralan. Kinumpirma rin ni Briones na ang DepEd ang magtatakda ng mga lugar kung saan magkakaroon ng face-to-face classes.

“Kelangan papasa sa Department of Education kung saan tayo mag-hold ng face-to-face classes,” ang sinabi ng Education Secretary.

“Kung safe ang pilot and it is effective then we will gradually increase. Pero ang mahalaga dito bantayan natin kung ano ang risk assessment. Pag may pagbabago sa risk assessment then talagang titigilin natin,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show