MAJA SALVADOR, MASAYA RAW SA TAKBO NG KANYANG KARERA NGAYON

“Grateful ako kung ano man ang shows na ginagawa ko.”

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Maja Salvador kaugnay sa mga naging pagbabago sa takbo ng kanyang karera sa nakalipas na dalawang taon.

Sa naganap na Beautederm mediacon noong Nobyembre 25, Huwebes, ibinahagi ng aktres na bagamat medyo matagal na rin ang nakalipas mula nang umalis sa bakuran ng ABS-CBN, hanggang ngayon ay proseso pa rin ang kanyang pagtanggap dito.

Does Maja truly deserve the 'Crown?' | The Manila Times
Photo Source: The Manila Times

Mahigit 18 years daw siyang nagtrabho sa Kapamilya network kaya naman hindi agad siya naka-adjust sa pag-alis niya rito.

Gayunpaman, patuloy niya namang ipinagpapasalamat na bagamat malaking desisyon ang kanyang nagawa, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon. Marami pa rin siyang natanggap na mga proyekto at trabaho.

Pagbabahagi nito, “Ahhmm, ano pa rin ako… every day it’s still a process for me.

“May proseso pa rin sa akin yung… ahhmm… of course with 18 years with ABS-CBN, very grateful.

“And hindi naman natin winish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS, di ba? Tapos… so yun.

“Kung nasaan man ako ngayon, I am thankful. Blessed ako, grateful ako kung ano man ang shows na ginagawa ko.”

Maja Salvador shows support for 'ASAP Natin 'To' airing on TV5 – Manila  Bulletin
Photo source: Manila Bulletin

Masaya raw siya sa kung nasaan man siya ngayon at tuloy tuloy lang ang pagtanggap niya sa bagong direksyon niyang ito.

Ani Maja Salvador, “But still, every day is a process pa rin for me. Yung acceptance… kung nasaan. But I am happy.

“Kasi… siguro po, sa 18 years ko na yun sa industriya, nandun na yung mga experiences ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya di po ulit tayo napapabayaan ni God.

“Kaya andami rin pong mga offers, ganyan.

“So, yun… masaya, grateful, but still nandun pa rin tayo sa… paggising mo, proseso. ‘Ah, oo nga pala.’ Ganun.”

Very happy and grateful siya sa kaliwa’t kanang proyekto niya sa TV5 at ilang guesting sa GMA. Bukod pa roon, goal niya na mas mapalaki pa ang Crown Artist Management.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show