MAHINANG PAGPUTOK NG MT. PINATUBO, NAITALA!

Nagkaroon ng “phreatic” na pagsabog ang bulkang Pinatubo noong Martes (November 30). Ito ang kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Inulat din ng ahensya na may mga seismic at infrasound signals ng mahihinang pagsabog sa bulkan.

“Based on visual reports of an eruption plume and seismic, infrasound and satellite detection, DOST-PHIVOLCS confirms that a phreatic eruption occurred at Pinatubo Crater between 12:09 and 12:13PM,” ang pahayag ng PHIVOLCS.

SOURCE: @phivolcs_dost twitter

Kinumpirma rin ng PHIVOLCS sa kanilang bagong advisory na naganap ang phreatic na pagsabog matapos ang aktibidad ng Philippine military. Ito ay indikasyon na walang kinalaman ang ginawang aktibidad sa kasalukuyang kondisyon ng bulkan.

“The event was also confirmed to have occurred after ordnance disposal activities by the AFP (Armed Forces of the Philippines), which has no relation to the condition of the volcano, on the northern flanks of Pinatubo conducted prior noon today,” ang paglilinaw ng PHIVOLCS.

Gayunpaman, wala pa ring nababalitaang mga bumabagsak na ashfall mula sa mga komunidad na malapit sa lugar.

“So far, there [have] been no reports of ashfall from communities of Zambales over which the eruption plume dispersed,” ang sinabi ng PHIVOLCS.

“Considering that there has been very low seismic activity in the volcano in the past days and low diffuse volcanic CO2 flux measured at Pinatubo Crater Lake, and high infrasound over seismic energy released by the eruption, the event was likely driven by shallow hydrothermal processes beneath the edifice,” ang dagdag ng ahensya.

SOURCE: @phivolcs_dost twitter

Nanawagan din ang PHIVOLCS sa publiko na huwag muna maglakbay malapit sa Mount Pinatubo.

Pinayuhan din ng ahensya ang local government units (LGUs) na ipagbawal ang pagpasok sa bunganga ng Pinatubo. Ito ay dahil sa maaaring maganap na mahinang phreatic o hydrothermal na pagsabog ng walang babala.

Nagpaalala rin ang PHIVOLCS sa mga komunidad at LGUs na nakapalibot sa Mount Pinatubo na maghanda sa posibleng paglindol at iba pang panganib na dulot ng bulkan.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show