MAHIGIT 100K COVID-19 VACCINES, NASIRA DAHIL SA SUNOG SA ZAMBOANGA DEL SUR!

Mahigit sa 100,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ang nasira dahil sa naganap na sunog sa Provincial Government Center sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Ito ang ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes (November 2).

“Kinukumpirma ko po na hindi bababa sa 100,000 doses ang naapektuhan, pero wala pa pong exact numero dahil iniimbestigahan pa po,” ang pahayag ni Roque sa isang virtual press conference.

“Malungkot nga po itong balitang ito dahil ang nasunog po talaga ay yung regional DOH (Department of Health) office,” ang dagdag niya.

Sinabi rin ni Roque na “ballpark figure” pa lang ang kanyang inanunsyo. Ang eksaktong bilang ng mga nasirang bakuna ay ibabalita ni vaccines czar Carlito Galvez Jr matapos ang isinasagawang imbestigasyon.

“At this point I will say it is at least 100,000 affected. Pero mabilis naman po nating papalitan yan dahil hindi naman po problema ang supply,” ang tiniyak ni Roque.

Gayunpaman, may paalala ang Presidential spokesperson sa mga residente ng Zamboanga del Sur.

“Ito po talaga ay nangyayari, hindi po natin ninais na magkaroon ng ganyang sunog,” ang sinabi ni Roque.

Ang mga COVID-19 vaccines ay kilala sa pagiging sensitibo sa temperatura. Kailangan nakalagay ang mga ito sa cold storage bago gamitin. Kung hindi mailalagay, ito ay madaling masisira.

Ayon kay Dr. Anatalio Cagampang Jr., kabilang sa mga nasirang bakuna kontra COVID-19 ay AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sinovac. Kabilang naman sa mga naapektuhang routine vaccines ay para sa hepatitis, measles, at polio.

Si Cagampang ay kasalukuyang pinuno ng Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) at ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show