Isang 22 taong gulang na babae mula sa Long Island, New York ang misteryosong nawala habang nasa cross-country road trip kasama ang kanyang nobyo.

Si Gabby Petito ay huling namataan sa Grand Teton National Park sa Wyoming noong huling bahagi ng Agosto. Ang kanyang kasintahan ay kinilalang si Brian Laundrie.

“Gabrielle Petito was traveling in a white, 2012 Ford Transit van with Florida license plate QFTG03 with a companion when she stopped communicating with friends and family,” ayon sa kapulisan.

Natagpuan kalaunan ang puting 2012 Ford Transit van na sinakyan ni Petito pero hindi siya nakita doon.

Samantala, si Laundrie ay bumalik sa kanyang bahay sa Florida. Kumuha siya ng abogado at tumangging makipagtulungan sa mga awtoridad. Ayon sa huling balita, hindi na rin makita ng abogado si Laundrie. Itinuturing siya ng kapulisan bilang “person of interest.”

SOURCE: WION

Ang magkasintahan ay magkasamang gumagawa ng web series na tinawag na “Nomadik Static.” Ipinapakita ng series ang kanilang mga biyahe sa loob ng maliit na sasakyan ni Petito.

“Downsizing our life to fit into this itty bitty van was the best decision we’ve ever made,” ang sinulat ni Laundrie sa Instagram sa page na tinawag na “bizarre_design.”

“With the limited space we wanted to take advantage of every inch, while also keeping everything minimalist,” ang dagdag niya.

Samantala, ang ina ni Petito na si Nicole Schmidt ay inilarawan ang kanyang anak na nasa 5’10, 110 lbs, may blonde na buhok, at asul na mata. Mayroon din siyang triangulong tattoo na may nakasulat na “let it be.”

“I can’t say much, but she’s no longer with the van,” ang salaysay ni Schmidt sa Fox News.

“I don’t want to say anything more than that but for people looking for her, I want them to look for her now, not look for that van anymore,” ang dagdag niya.

Post Views: 16