LUIS HONTIVEROS, DEDMA SA MGA HUMUHUSGA SA KANYANG SEXUAL ORIENTATION

“It’s 2021 na. Ano naman kung bading yung lalake?”

Ilan lamang ito sa pahayag ng Kapuso star na si Luis Hontiveros kaugnay sa mga taong patuloy na pinangugunahan at hinuhusgahan ang kanyang sekswalidad. May iilang bintang pa raw noon na tumatanggap siya ng indecent proposals pero hindi ito totoo.

Luis Hontiveros - IMDb
Photo Source: MDb

Kwneto niya, “Sa modelling days pa lang nagsimula, I think any other male model, may pagdadaanan na kung anu-anong isyu kasi we’re in the entertainment industry.

“Sa akin, nagmo-model pa lang ako, even before pumasok ako sa showbiz, parang may mga kumakalat na bakla raw ako.”

Sa naganap na virtual media launch ng Palitan noong November 22, sinabi ni Luis na hindi raw dapat ginagawang big deal ang sexual orientation ng isang tao. Hindi ito ang dapat maging basehan upang nasabi na katanggap-tanggp ang isang tao sa lupunan. Nararapat lamang na tanggapin natin ang bawat isa sa kung ano ang totoong tayo.

Pinoy Big Brother on Twitter: "Our Lucky Regular Housemate, Ang Longing Son  ng Taguig, Luis Hontiveros! #PBBLuckyReveal https://t.co/s5E36f9Tfp" /  Twitter
Photo Source: Pinoy Big Brother twitter

Lahad ni Luis, “It’s 2021 na. Ano naman kung bading yung lalake? Ano naman kung tomboy yung babae? What’s wrong with that?” katuwiran niya. Until now pa rin ba, gagawin nating isyu yung sekswalidad, sexual identity, sexual preference ng mga tao?

Dagdag pa nito, “Dapat hindi na pinagtsitsismisan ‘yan kasi everyone should accept everyone. No matter who, where, what type of person, they should be accepted at the end of the day.”

Dati raw ay apektado siya sa panghuhusga ng ibang tao pero ngyaon ay dedma nalang siya s atuwing may naririnig. Ang mahalaga raw ay alam niya kung ano ang totoo.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show