LUCY TORRES, BAKIT HINDI NA KUMAKAIN NG MANOK AT KAMBING?

“Hindi na ako kumakain ng chicken.”

Ilan lamang ito sa naging rebelasyon ni Lucy Torres sa Zoom virtual meet with entertainment press.

Ayon sa kanya, hindi raw siya mapili sa pagkain pero simula nang mag-alaga ng mga hayop sa kanilang tinitirahan ngayon, may mga pagkain na raw siyang hindi kayang kainin.

lucy torres richard gomez chicken
Photo Source: Instagram @lucytgomez

Kwento niya, “There are things I don’t eat talaga like kambing.

“Kasi, we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing.

“And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken.”

Napamahal na raw siya sa mga alaga nila at para na niyang kaibigan ang mga ito kaya naman hindi talaga niya kayang kainin. Wala raw itong kinalaman sa pagda-diet.

Aniya pa, “Kasi during the first lockdown, sila ang kasama ko every afternoon. Para ko na silang naging kaibigan. So, hindi ko na siya makain.”

Mayroon din daw silang alagang baboy pero kahit papaano ay nakakakain pa rin naman siya nito ngayon.

“But we have a pet pig, si Hamlet. Pero kumakain pa rin naman ako ng baboy. Wala pa ako doon na hindi ako kumakain ng baboy. Hahaha!” natatawang saad nito.

Richard Gomez, Hamlet
Photo Source: Instagram @lucytgomez

Noong quarantine daw ay tila nagkaroon sila ng malaking pamilya dahil sa mga alagang hayop ng kanyang asawang si Richard Gomez.

Lahad pa ni Lucy Torres, “Minsan, sabi ko, ‘Honey, please. Huwag lang unggoy.’

“Mahilig talaga siya sa hayop. Love na love din niya ang mga aso niya.”

Bukod sa mga alagang hayop, abala rin daw ang kanilang pamilya sa kanilang mga pananim.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show