LRT-2, TUMIGIL ANG OPERASYON DAHIL SA SUMABIT NA LOBO?

Ang Light Rail Transit Authority Line 2 system ay nagpatupad noong umaga ng Sabado (October 9) ng CODE RED o pansamantalang tigil operasyon dahil sa sumabit na lobo sa gitna ng istasyon ng Pureza at V. Mapa.

“The Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2 system is currently implementing a CODE RED/temporary Stop Operations due to an entangled balloon in-between Pureza Station and V. Mapa Station,” ayon sa twitter post ng LRT2 bandang 8:00 ng umaga.

“Intervention is on-going. We apologize for the inconveniences,” ang dagdag ng ahensya.

SOURCE: @OfficialLRTA twitter

Makalipas ang mahigit 20 minuto, ibinalita ng LRTA ang panunumbalik ng kanilang operasyon matapos matanggal ang lobo mula sa pagkakasabit nito.

“LRT 2 CODE RED status or temporary stop operations is now lifted. Travel safe everyone,” ang anunsyo ng LRT2.

SOURCE: @OfficialLRTA twitter

Ang LRT2 ay isang rapid transit line sa Metro Manila. Isa itong heavy rail, rapid transit system na gumagamit ng electric multiple units sa halip na light rail vehicles na ginagamit sa mga naunang linya ng tren.

Ang LRT2 ay pangatlong rapid transit line na binuo sa Metro Manila ng magsimula ito ng operasyon noong 2003. Pinangangasiwaan ito ng LRTA na isang government-owned at controlled corporation na nakakabit sa Department of Transportaion (DOTr) sa ilalim ng opisyal na development assistance scheme.

Bago ang pandemya, nagsasakay ang LRT2 ng halos 200,000 pasahero kada araw. Ito ang pinaka-least busy sa tatlong rapid transit lines. Binuo ito na may barrier-free access at paggamit ng magnetic card tickets para mapabilis ang pagpasok ng mga pasahero.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show