LOVI POE, IBINAHAGI KUNG SINU-SINO ANG PANGARAP NIYANG MAKATRABAHO SA ABS-CBN

“Grateful and excited.”

Ganito inilarawan ng bagong Kapamilya artist na si Lovi Poe ang kanyang naramdaman nang tumapak sa ABS-CBN bilang isang ganap na Kapamilya.

IN PICTURES: Lovi Poe, Piolo Pascual contract signing with ABS-CBN – Manila  Bulletin
Photo source: Manila Bulletin

Ayon sa kanya, maraming beses na daw siyang nakabisita at nag-guest sa ilang programa ng ABS-CBN noon pero iba raw pala ang pakiramdam kapag bahagi kana ng istasyon.

Lahad niya, “When I stepped out of the car, nakita ko sila Ms. Cory (Vidanes), Sir Carlo (Katigbak), Sir Deo (Endrinal) and everybody. I felt like it wasn’t real. It felt like such a dream. ‘Yung pag-welcome nila sa akin, I can’t even explain it. The moment I walked in, I just really felt the love. You know how I felt nervous in the beginning? I suddenly felt at home.”

Aminado siya na hindi raw naging madali ang desisyon niyang paglipat ng network dahil matagal din siyang nanatili sa bakuran ng GMA. Dito raw nagsimula ang kanyang karera at pangarap kaya naman malaki rin ang kanyang utang na loob sa dating tahanan.

Ani Lovi Poe, “It was one of the toughest things I’ve ever had to do. Because I’ve been with GMA for 15 years, and for 15 years, they took care of me too and they’ve been good to me and I have nothing but good words and respect. There’s no other way than to be grateful.”

Para sa kanyang unang proyekto sa ABS-CBN, makakapareha ng aktres ang aktor na si Piolo Pascual.

Piolo and Lovi to Star in Local Adaptation of South Korea's 'Flower of  Evil' ⋆ Starmometer
Photo Source: Starmometer

“Dream come true” daw ito para sa kanya. Pero bukod sa aktor, may iba pang Kampamilya artists ang gustong makatrabaho ni Lovi.

“Of course, Mr. Coco Martin, Gerald (Anderson), Zanjoe (Marudo) again—I’ve worked with Zanjoe before—and JM de Guzman. I’ve worked with Carlo Aquino and I would love to work with him again as well. Ang dami, eh. There’s just to many to mention na gusto kong makatrabaho,” aniya.

Gusto din daw niyang makasama ang mga leading lady na sina Anne Curtis, Kathryn Benardo, Kim Chiu, at ang dating Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show