LOLO, NATANGGAP SA CALL CENTER MATAPOS MABIGO NG 12 BESES

Isang 66 taong gulang na lolo ang natanggap sa call center matapos mabigo ng 12 ulit.

Ayon sa ulat ng GMA network noong Biyernes (September 3), nasorpresa ang online seller na si Therez Causing ng malaman na ang bumili ng table niya na si Willy Batucan ay isang senior citizen na naghahanda sa kanyang work-from-home desk.

“I was thinking it’s for his niece … sabi niya he’s working at a call center, tapos sabi niya 66 years old siya. Sabi ko, wow,” ang salaysay ni Therez.

Ibinahagi niya ang kanyang transaksyon sa social media at mabilis itong nagviral.

“Kalabaw lang ang tumatanda,” ang pahayag ni Willy.

“Pero sa puso’t isipan natin, andun pa rin ’yung lakas at ’yung willingness ko na kailangan kong magtrabaho,” ang dagdag niya.

Hindi naging madali para kay Willy ang makahanap ng trabaho. May 12 beses siyang nabigo bago siya natanggap sa kanyang kasalukuyang trabaho.

Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si Willy na makuha ang kanyang minimithi.

“Naka-12 na ’kong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko ’yung pag-apply. Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas,” ang kuwento ni Willy.

Samantala, ang kanyang mga katrabaho sa BPO company ay nagpapasalamat at pinupuri siya.

“Uncle Wil is a person that is passionate toward his work because for more than a year of pandemic he’s actually working at the office unlike us,” ang sinabi ng kanyang katrabahong si Cedric Valdehueza.

Umaasa naman si Willy na magkaroon ng mas marami pang oportunidad sa trabaho para sa mga tulad niyang senior citizens.

“Kung merong willingness ang tao na magtrabaho, dapat merong paraan din sana ang government natin kung paano makapagbibigay ng trabaho,”ang pahayag ni Willy.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show