LIAN PAZ, DESIDIDONG MATULOY ANG ANNULMENT NILA NI PAOLO CONTIS PARA TULUYANG MAKALAYA DITO

Desidido si Lian Paz na asikasuhin ang naudlot nilang annulment ng estranged husband niyang si Paolo Contis.

Ayon sa kanya, matapos hindi maging matagumpay ang pag-file ng annulment noon ni Paolo para mawalan ng bisa ang kanilang kasal, siya naman daw ang sumunod na naghain ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano na ang proseso nito.

Here are some things to know about Paolo Contis' ex-wife, Lian Cruz!
Photo Source: VlogInfo

Lahad niya, “Because he already filed, ako naman ang sumunod na nag-file.

“Hinayaan ko siyang kumilos nung una, but this time, ako na. Pero ang lawyer pa rin niya ang nag-asikaso para hindi raw masayang ang ground works at para mas mabilis daw.

“Pumunta dito [sa Cebu] ang lawyer niya, ininterbyu ako. Nag-file under my name sa Marikina City dahil doon ang residence ko.

“Kaso, walang balita, walang update. As of now, ang sabi po it was filed na but not moving.

“Kung may kailangang bayaran [legal fees, etc.], puwedeng magsabi na lang siya para ako na lang ang mag-asikaso.”

Sinabi niya na raw noon sa aktor na siya na ang mag-aasikaso ngunit hindi raw ito pumayag.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong July 20, 2009. Taong 2012 naman nang tuluyang tapusin ng dalawa ang kanilang ugnayan ngunit mayroon silang dalawang anak na babae.

2018 nang kumpirmahin ni Paolo na nagdadalantao si LJ Reyes na kasintahan niya noong taon na iyon.

Samantalang February 2021 naman nang ma-engage si Lian sa karelasyong si John Cabahug.

In photos: Lian Paz, the ex-wife of LJ Reyes' boyfriend Paolo Contis ▷  KAMI.COM.PH
Photo Source: Kami.com.ph

Ayon sa kanya, ang pagpupursige niya raw na matuloy ang annulment nila ni Paolo ay walang kinalaman sa kanyang engagement. Nais daw niyang tuluyan nang putulin ang anumang ugnayan sa aktor at ayaw na rin niyang nakadikit ang apelyido nito sa pangalan niya.

“It doesn’t mean I want to get married, but I just want my freedom back.

“Alam mo yung ganoong feeling? Na hindi mo na bitbit yung surname niya sa passport? Na kada magta-travel ako, Contis pa rin?

“Nakikita ko naman na marami na ang kaganapan sa buhay niya, at ang annulment ng kasal namin, parang yun talaga ang missing piece para maging malaya na kami mula sa isa’t isa,” paglilinaw ni Lian Paz.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show