LEBRON JAMES, EJECTED SA LARO NG LA LAKERS AT DETROIT PISTONS!

Ang basketball superstar na si LeBron James ay pinatalsik sa laro nila ng Los Angeles Lakers kontra Detroit Pistons matapos masiko ang mukha ng Pistons center na si Isaiah Stewart. Ito ang inanunsyo ng National Basketball Association (NBA) noong Lunes (November 22).

Ang insidente ay naganap may 9:18 minuto sa ikatlong quarter ng laro. Iwinasiwas ni James ang kanyang braso para sa rebound ng bola matapos ang free throw ng isang Pistons player.

Sa kasawiang palad, tumama ang siko ni James sa mukha ni Stewart. Mabilis dumugo ang mukha ng Pistons center sa bandang kanang kamay. Sobrang ikinagalit ito ni Stewart at ilang beses niyang tinangkang sugurin si James ngunit napigilan siya ng ilang players, referees at staff na nasa court.

Matapos ang official review, pinatawan si James ng “flagrant two penalty” na nagresulta ng kanyang “ejection” sa pangalawang beses ng kanyang 19-year career sa professional basketball. Ang una niyang ejection ay nangyari noong Nobyembre 2017 kontra Miami Heat.

Napatalsik din si Stewart mula sa laro habang ang Lakers guard na si Russel Westbrook ay pinatawan ng technical foul dahil sa pagkakasangkot niya sa insidente.

Ayon naman kay Pistons head coach Dwane Casey, walong stitches ang kinailangan para magamot ang sugat ni Stewart. Umaasa rin si Casey na hindi masususpinde ang kanyang player.

“He shouldn’t be facing anything. Not getting off the court in time? The league will have to decide that,” ang pahayag ni Casey.

“But the man got eight stitches, whatever it is, across his forehead. He was upset. Blood running down his face. I don’t see any ramifications from the league from that standpoint,” ang dagdag niya.

Samantala, dinepensahan ni Lakers forward Anthony Davis ang kanyang teammate na si James.

“Everyone in the league knows LeBron is not a dirty guy,” ang pahayag ni Davis.

“We’re not promoting violence. I’m not promoting violence,” ang dagdag niya.

Nagtapos ang laro sa pagkapanalo ng koponan ng Lakers kontra Pistons sa iskor na 121-116.

Tara at panoorin natin ang short video clip kung saan na-eject si James dahil sa pagsiko niya kay Stewart.

SOURCE: @sportingnews twitter

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show