LALAKING RAPE SUSPECT, PINAGPIYANSA PARA MAGLABA NG DAMIT NG MGA KABABAIHAN!

Isang lalaking Indiyano na akusado ng tangkang panghahalay ang pinayagang magpiyansa sa kondisyong maglalaba at magpaplantsa ng mga damit ng lahat ng kababaihan sa kanyang village sa loob ng anim na buwan.

Si Lalan Kumar, edad 20, ay kailangang bumili ng detergent at iba pang items na kailangan para sa libreng laundry service sa may 2,000 kababaihan sa village ng Majhor sa Bihar state.

Si Kumar ay naglalaba ng mga damit bilang kabuhayan. Inaresto siya noong Abril sa mga kaso kabilang dito ang tangkang panggagahasa. Ito ang inulat ni police officer Santosh Kumar Singh sa AFP news agency. Si officer Singh ay mula sa Madhubani district sa Bihar.

Sa kasalukuyan, wala pang eksaktong araw kung kailan ang kanyang paglilitis.

“All the women in the village are happy with the court decision,” ang pahayag ni Nasima Khatoon sa AFP. Siya ang pinuno ng village council.

“It is historic. It will boost respect for women and help to protect dignity,” ang dagdag ni Khatoon. Siya rin ang isa sa mga village dignitaries na mag-o-obserba kay Kumar.

Samantala, sinabi ng mga kababaihan sa village na ang utos ng korte ay nagdulot ng positibong impact. Dahil dito, nagkaroon ng pagtalakay sa mga krimen laban sa mga kababaihan sa kanilang komunidad.

“This is a remarkable step and a different kind of punishment that sends a message to society,” ang sinabi ni Anjum Perween.

Ang mga batas tungkol sa panggagahasa sa India ay pinagbuti matapos ang 2012 gang rape sa New Delhi. Gayunpaman, ang bilang ng mga kaso ay nananatiling mataas. Mahigit 28,000 kaso ng panggagahasa ang naitala noong 2020.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show