LALAKING NAKA-JOKER COSTUME, NANAKSAK AT NAGSUNOG NG TREN SA JAPAN!

Isang 24 taong gulang na lalaki na nakasuot ng Joker costume ang umatake sa mga pasahero ng Tokyo train line noong Linggo (October 31). Nagresulta ito sa pagkasugat ng 17 tao at pagkasunog ng isang bagon sa tren.

Ayon sa ulat ng media, naaresto ng mga pulis ang suspek sa mismong pinangyarihan ng krimen. Isang lalaki naman na pinaniniwalaang nasa edad 60s ang nakitang walang malay at nasa kritikal na kondisyon matapos masaksak.

Batay din sa mga saksi, ang salarin ay naghagis ng fluid sa paligid ng tren at sinimulang sunugin ito.

Isang video na na-upload sa Twitter ang nagpapakita ng mga pasahero na tumatakbo mula sa isang dulo ng tren. Pagkatapos lamang ng ilang segundo, umapoy ang  dulo ng tren. Isa pang video ang nagpapakita ng mga pasaherong lumulusot mula sa mga bintana ng tren papuntang platform kung saan nag-emergency stop ang tren.

“I thought it was a Halloween stunt,” ang kuwento ng isang saksi sa Yomiuri newspaper.

“Then, I saw a man walking this way, slowly waving a long knife.” There was blood on the knife,” ang dagdag niya.

Nakita naman sa isa pang video sa Twitter ang isang nakasalaming lalaki na nakasuot ng purple suit at bright green shirt ng The Joker, ang mortal na kalaban ng DC superhero na si Batman. Nakaupo siya sa isang bakanteng lugar ng tren habang naka-ekis ang hita at mukhang kalmado.

Sa isang video clip, makikita siya mula sa bintana ng tren habang pinapalibutan ng mga pulis.

Batay sa ulat ng local media, sinabi raw  ng suspek sa awtoridad na gusto niyang pumatay ng tao para masentensyahan siya ng kamatayan.

Naganap ang pag-atake sa Keio express line na patungong Shinjuku bandang 8 p.m. (1100 GMT). Ito ang tinuturing na pinaka-busy na rail station sa buong mundo.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show