LALAKI SA ITALY, NAKIUSAP SA MGA PULIS NA IPAKULONG ANG SARILI!

Isang lalaki na naka-house arrest sa Italya ang sumulpot sa harap ng police barracks. Ayon sa awtoridad, nakiusap ang lalaki sa mga pulis na ipakulong ang sarili dahil hindi na niya matagalan ang buhay kasama ang asawa sa kanilang bahay.

Ang 30 taong gulang na Albanian citizen ay nakatira sa Guidonia Montecelio sa labas ng Rome. Hindi na raw niya kayang tumira kasama ang kanyang asawa sa ilalim ng iisang bubong.  Ito ang inulat ng Carabinieri police mula sa kalapit na bayan ng Tivoli.

“Exasperated by the situation, he preferred to escape, spontaneously presenting himself to the Carabinieri to ask to serve his sentence behind bars,” ang pahayag ng kapulisan.

Ang lalaki ay naka-house arrest sa nakalipas na ilang buwan dahil sa kaso ng ilegal na droga. Ayon kay Captain Francesco Giacomo Ferrante ng Tivoli Carabinieri, mayroon pang ilang taon ang lalaki para magsilbi sa kanyang sentensya.

“He lived at home with his wife and family. It wasn’t going well anymore,” ang sinabi ni Ferrante.

“He said, ‘Listen, my domestic life has become hell, I can’t do it anymore, I want to go to jail,” ang dagdag niya.

Ang lalaki ay mabilis na inaresto dahil sa paglabag sa sentensyang house arrest. Napagbigyan naman ang kanyang kahilingan matapos ipag-utos ng judicial authorities ang paglipat sa kanya sa kulungan. Dahil dito, hindi na niya magiging problema kung paano iiwasan ang kanyang asawa.

Sa isang katulad na balita, isang lalaki sa China ang nagpa-aresto para matakasan ang pagpapakasal sa kanyang nobya.

Noong Enero ng kasalukuyang taon, napagtanto ng lalaki na hindi niya mahal ang kanyang kasintahan. Gumawa siya ng paraan para siya ay maaresto ng awtoridad at isipin ng nobya na hindi siya karapat-dapat na pakasalan.

Nagnakaw siya ng Bluetooth speaker mula sa dance studio sa Shanghai. Inaresto siya ng mga pulis sa kasong pagnanakaw. “My girlfriend wants to get married, but I don’t want to. I knew you would find me, though I didn’t think it would be so fast,” ang pag-amin ni Chen sa mga pulis.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show