LACSON, SINABING ANG KORTE LAMANG ANG MAKAKAPAG-ARESTO SA MGA SENADOR

Para kay Senador Panfilo Lacson, ang korte lamang ang may kakayahang ipa-aresto ang mga senador.

Ito ang reaksyon ni Lacson sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapakulong niya ang mga senador kung ipapa-cite in contempt nila ang mga miyembro ng gabineteng hindi dadalo sa imbestigasyon tungkol sa overpriced umano na pandemic supplies.

“Alam naman natin na hindi gagawin at hindi pwedeng gawin ng Pangulo na ipa-aresto at ipakulong ang kahit sinong tao, senador man o hindi,” ang ibinahagi ng senador sa mga mamamahayag.

“Only a court of law can issue a warrant of arrest against anybody and in accordance with the rule of law, or under Rule 113 Section 5 of the Rules of Court or what is known as “citizen’s arrest” under clearly defined circumstances,” ang dagdag niya.

Samantala, iginiit ni Senador Francis Pangilinan na hindi dapat ipinagtatanggol ng pangulo ang kanyang mga kaibigan na naiuugnay sa kontrobersya ng pagbili ng mga COVID-19 supplies.

“’Yung masama ang asta at mas masahol pa sa hayop ang mga kilos at ‘yung kinurakot ‘yung bilyong pisong pondo para sa COVID ng mga naka Lamborghini at Porsche na mga kaibigan ng Pangulo habang milyon ang nagkakasakit at nagugutom at libu-libo ang namamatay. Huwag pagtakpan at huwag nililihis ang usapin,” ang pahayag ni Pangilinan.

Sa kanyang huling public address, pinayuhan ni Duterte ang kanyang gabinete na huwag silang pumayag na pagalitan ng mga senador.

“If they cite you for contempt, I will jail the senators,” ang sinabi ng Pangulo.

Nanatili ring matigas si Duterte sa kanyang utos sa mga opisyal ng Executive department na huwag pansinin ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show