KYRIE IRVING, BINAWALANG MAGLARO SA NBA DAHIL AYAW MAGPABAKUNA!

Nagdesisyon ang Brooklyn Nets noong Martes (October 12) na huwag muna paglaruin ang kanilang superstar guard na si Kyrie Irving sa praktis at sa actual games sa NBA season na nakatakdang magsimula sa susunod na linggo. Ito ay dahil sa pagtanggi ng basketball player na magpabakuna kontra coronavirus disease 19 (COVID-19).

“Given the evolving nature of the situation and after thorough deliberation, we have decided Kyrie Irving will not play or practice with the team until he is eligible to be a full participant,” ang pahayag ni Nets general manager Sean Marks.

“Kyrie has made a personal choice, and we respect his individual right to choose…Currently, his choice restricts his ability to be a full-time member of the team, and we will not permit any member of our team to participate with part-time availability,” ang dagdag niya.

Si Irving ay bahagi ng star trio ng koponan ng Nets. Kasama rito sina Kevin Durant at James Harden.

“Without a doubt, losing a player of Kyrie’s caliber hurts,” ang sinabi ni Marks.

“I’m not going to deny that. But at the end of the day, our focus, our coaches’ focus and our organization’s focus needs to be on those players that are going to be involved here and participating fully,” ang dagdag niya.

Hindi naman nagsasalita si Irving sa publiko tungkol sa vaccination status. Sa halip, siya ay nanghihingi ng privacy tungkol sa usaping ito.

Sinabi rin ni Marks na hindi babayaran ang basketball guard sa hindi paglalaro sa mga home games.

Samantala, magsisimula ang Nets ng kanilang regular season games laban sa NBA champion Milwaukee Bucks sa darating na Martes (October 19).

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show