KYLIE VERSOZA, GINALINGAN ANG PAG-ARTE DAHIL INSPIRED KAY JAKE CUENCA

Ibinahagi ng aktres at beauty queen na si Kylie Versoza na isa sa kanyang naging inspirasyon sa pag-arte ay ang kanyang kasintahan na si Jake Cuenca.

Ayon sa kanya, sobrang supportive daw ng kanyang nobyo sa mga proyekto na dumarating sa kanya at ang latest nga rito ay ang pelikulang The Housemaid kung saan isa siya sa mga lead role.

Kylie Verzosa shares how her boyfriend Jake Cuenca inspires her acting
Photo Source: Instagram @kylieversoza

Kwento niya, “Kasi nakikita ko si Jake and his dedication to his craft and parang nakaka-inspire din na gusto ko din maging katulad niya and iba kasi yung dedication niya sa mga role niya.”

Sobrang naa-appreciate niya raw ang mga advice na ibinibigay nito sa kanya hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa industriya na kanilang ginagalawan.

“Very professional niya kasi gumawa ng mga intimate scenes. And naka-work ko na si Jake with mga intimate scenes. Naramdaman ko talaga na professional talaga siya and trabaho talaga yun ng actor and hindi yun yung highlight kundi kung anong mangyayari after or before. Journey kasi yun ng character na kailangan pagdaanan. So siguro yun yung natuturo niya sa akin,” lahad pa niya.

Is Kylie Verzosa dating Jake Cuenca?
Photo Source: Panay News

Malaking bagay daw sa kanya na nagkakaintindihan silang dalawa ni Jake dahil parehas sila ng industriyang ginagalawan. Wala raw silang nagiging problema sa kani-kanilang trabaho at role na tinatanggap dahil pareho silang supportive sa karera ng isa’t-isa.

Ani Kylie Versoza, “Happy talaga ako na supportive yung boyfriend and in this industry, you really need a good support system pag-uwi mo sa bahay kasi mabigat na nga yung eksena, mabigat pa sa bahay alam mo yun. So happy ako na very supportive talaga siya sa career ko.”

Challenging daw ang role na kanyang ginampanan sa nasabing pelikula pero sa palagay naman niya ay nagawa niya ito ng maayos.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show