KYLIE PADILLA, HAPPY AND AT PEACE DAW NGAYON

“At peace lang ako. Wala akong ibang iniisip.”

Ganito inilarawan ng Kapuso aktres na si Kylie Padilla ang estado ng kanyang puso matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Kylie Padilla backs divorce bill after Aljur Abrenica's accusatory post
Photo Source: Rappler

October 11, 2021, nang makapanayam si Kylie. Dito nabanggit ni Kylie na nasa maayos daw siyang kalagayan at nakamit na niya ang kapayapaan na kanyang hinahangad.

Panimula niya, “Sobrang big deal sa akin yung nae-enjoy ko yung time kong mag-isa.”

Hindi rin daw sya nalulungkot at hindi na apektado sa mga bagay na nangyayari at ibinabato sa kanya.

Aniya, “At peace lang ako. Wala akong ibang iniisip.

“Hindi ako nalulungkot, wala akong [inaalala], yung mga ganoon.”

Matagal na raw niyang gustong mangyari ang bagay na ito kaya naman sobrang saya at gaan ng kanyang pakiramdam na wala na siyang ibang iniisip.

Ani Kylie Padilla, “I’m at peace na talaga and sobrang tagal kong hinintay na mangyari sa akin iyon.

“And ang ganda ng bahay ko na, parang, ‘Oh my god, naabot ko na yung dreams ko, na antagal-tagal ko nang gustong mangyari sa akin ito.’”

Kylie Padilla Answers Fans Questions, Says She's Ready To Be A Mom -  Pilipinas Popcorn
Photo Source; Pilipinas Popcorn

Kasalukuyan daw siyang tumutuloy ngayon sa bahay na pagmamay-ari ng kanyang amang si robin Padilla. Nasa kanyang poder ang dalawa nilang anak ni Aljur. Pinanatili niya raw simple ang kanilang pamumumuhay.

Dugtong niya, “And happy na ako ngayon. And simple lang… back to basics, that’s all I do.

“Nanonood lang ako ng Netflix, kakain lang ako. Ang saya.”

Nangyari ang nasabing interview bago pa man maglabas si Aljur ng kanyang statement kung saan sinabi nito na si Kylie ang nag-cheat at sumira sa kanilang pamilya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show