KISSES DELAVIN, MAY PLANONG SUMALI ULIT SA NATIONAL PAGEANTS

“I will continue in this path.”

Ito ang naging sgaot ng dating Pinoy Big Brother housemate at Miss Universe Philippines 2021 candidate na si Kisses Delavin nang matanong kung may balak pa ba siyang sumali ulit sa mga national pageants.

Kisses Delavin ends MUP journey in Top 10 | Cebu Daily News
Photo Source: Inquirer.net

Ayon sa dalaga, magkahalong saya at lungkot daw ang nararamdaman niya sa tanong na ito dahil alam niya na ilan sa kanyang mga ka-batch ay hindi na muling makakasali kahit gustuhin nila dahil sa age limit.

“Unlike me who can still join again, because I’m just 22, others are already 28, so not everybody can join again,” ani Kisses.

Gayunpaman, nakatitiyak daw si Kisses na muli siyang sasabak sa pageant at itutuloy ang kanyang nasimulan dahil pangarap niya talaga ito. Bukas daw siya para sa posibilidad na maging Miss Universe title holder.

Miss Universe Philippines Fans on Twitter: "LOOK | Miss Universe  Philippines 2021 Kisses Delavin representing Masbate.  #MissUniversePhilippines2021 #KissesDelavin #Kisses4Universe…  https://t.co/9EOsQf9hDj"
Photo source: Miss Universe Philippines 2021

Aniya, “I’m just gonna let myself be surprised by myself.

“Kasi, ako din, every day, nasu-surprise sa kung ano yung bago kong ideas.

“I’m just very open. I’m just looking at the positive side.

“Pero ako, I am very sure that this is my big dream, so I will continue in this path. That is for sure,” dagdag pa ni Kisses Delavin.

Life-changing daw para sa kanya ang naging pagsali niya sa MUPH 2021. Marami raw siyang natutunan dito at marami rin siyang naging kaibigan.

“Ang sarap sa feeling nang matapos yung pageant, not because you wanted it to be over, but because you realized how much you gained,” anito.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show