KIMPOY FELICIANO, IPINAGTANGGOL SI HEAVEN PERALEJO SA MGA BASHERS

Hindi napigilan ng singer-vlogger na si Kimpoy Feliciano na sagutin ang mga bashers na grabeng manghusga at mambastos sa kanyang kaibigan na si Heaven Peralejo.

November 8, nang ibahagi ng vlogger sa Instagram ang mga larawan nilang magkakaibigan, kasama si Heaven, habang masayang naliligo sa Tinipak River, sa Tanay Rizal.

Heaven Peralejo & Kimpoy Feliciano? Here's Truth About The Viral Photo
Photo Source: Philnews.ph

Caption niya rito, “It’s not the place, it’s always the people.”

May iilang netizens na binigyan ng malisya ang pagkakaibigan ni Kimpoy at Heaven. Ayon sa mga ito, may bago na namang bibiktihan ang kapamilya star matapos ang naging hiwalayan nila ni Kiko Estrada.

Dahil dito, hindi nakapagpigil si Kimpoy na birahin ang mga ito.

Paglilinaw niya, magkaibigan lang daw sila ng aktres. Sinabi pa niya na hindi raw magandang manghusga ng tao base lamang sa mga nakikita nila sa internet.

Ani Kimpoy Felicinao, “Para sa mga rude sa comment section. Magkaibigan kami ni Heaven.

“If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

May iilan rin na nalungkot at kumukwestyon sa tunay na relasyon nila ng best friend na si Gie Cayetano o mas kilala bilang “Anghet.”

Kimpoy Feliciano on Twitter: "May nag-enjoy sa FB Live! Picture daw kami  🙈😅 Sana nag-enjoy kayo! Salamat sa mga nanuod! 💛  https://t.co/NM35jXZv66" / Twitter
Photo source: Twitter Kimpoy Feliciano

Paglilinaw ng binata, “Also, hindi po kami ni Anghet and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama [heart emoji].”

Matatandaan na noon pa man ay nilinaw na ni Kimpoy na wala silang romantic relationship ng kanyang kaibigan.

Aniya sa isang panayam, “Kasi po kami po ni Anghet, mag-best friends po talaga kami since second year high school hanggang ngayon.”

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show