KIM SEON HO, HUMINGI NG PAUMANHIN SA ALEGASYONG PINUWERSA NIYA ANG EX-GF NA MAGPA-ABORT!

Ang Korean actor na si Kim Seon Ho ay humingi ng tawad matapos masangkot sa isang kontrobersiya tungkol sa kanyang dating nobya umano.

Sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Salt Entertainment, kinumpirma ng “Start-Up” at “Hometown Cha-cha-cha” actor na nakipagkita siya sa hindi kilalang babae na nagtatago sa alias na “A.” Ang babaeng ito ay inaakusahan si “K” na pinuwersa siyang magpalaglag sa pangako na pakakasalan siya.

Bagama’t ang post na na-share online noong Oktubre 18 ay hindi nagbanggit ng pangalan, marami ang naniniwala na ang tinutukoy na “K” ay si Kim Seon Ho.

Noong Oktubre 20, ibinahagi ni Seon Ho ang isang sulat kung saan siya ay nagso-sorry at ipinaliwanag ang kanyang naranasan na takot ng una niyang makita ang pangalan niya sa mga balita.

“I was seeing her with good emotions. In that process, I hurt her due to my carelessness and inconsiderate actions,” ang kuwento ng aktor.

“I wanted to meet and apologize to her directly, but I am not able to properly convey the apology now and am waiting for that time to come. For now, I would like to genuinely apologize to her through this statement,” ang dagdag niya.

Humingi rin ng tawad ang aktor dahil sa pagbigo niya sa mga nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

“It was all thanks to those who supported me that I was able to become the actor Kim Seon Ho, but I had forgotten that. I apologize for causing trouble to my co-stars and all of the related staff who worked with me due to my flaws. I would like to sincerely apologize to everyone who was hurt,” ang sinabi ni Seon Ho.

“I am aware that this rambling statement will not fully reach your hearts, but I am still attempting to convey my sincere thoughts. I am very sorry,” ang dagdag niya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show