KIM ATIENZA, SHARES HIS FIRST WEEK AS A KAPUSO

Ibinahagi ng news anchor na si Kim Atienza ang kanyang naging karanasan sa kanyang unang linggo bilang Kapuso.

Ayon sa kanya, masayang masaya raw siya ngayon at ramdam na ramdam niyang Kapuso na talaga siya. masaya at maayos daw ang kanyang kalagayan sa bago niyang tahanan dahil mababait ang mga kasamajan niya rito.

Kuya Kim says shooting '24 Oras' segment for 1st time felt like when he was  starting out 17 years ago | GMA Entertainment
Photo Source: GMA Network

Paglalahad niya, “Mabait ang lahat ng tao rito at lahat ng nakakausap ko, lahat ng tumutulong sa akin sa pagpasok ko rito, damang-dama ko, genuine care and genuine na pagiging mabait.”

Isa raw sa highlight ng isang linggo na ‘yon ay noong unang tapak niya sa studio ng 24 oras kung saan niya na-meet sina Mike Enriquez, Mel tiangco, at Vicky Morales.

Dagdga niya, “…Pagpasok ko ng studio ng 24 Oras, kakaiba, ang laki ng studio. Mas malaki ang studio ng 24 sa luma kong studio.

“Hanggang sa makita ko na si Mike, nakita ko na si Tita Mel, ang kaibigan kong si Vicky nando’n. That’s the time na na-feel ko na talagang ito na, Kapuso na talaga ako.”

Ilang daw ‘yon sa mga nangyari sa kanya pero nasisiguro niya na marami pa siyang mae-experience dahil puno ang kanyang schedule ngayon para mag guest sa iba’t-ibang show sa GMA.

kim atienza (@kuyakim_atienza) | Twitter
Photo Source: Twitter @kuyakim

Ani Kim Atienza, “You know, life is like a box of chocolates. You’ll never know what to expect at gano’n ang nangyayari sa buhay ko ngayon.

“I’m always so excited and I’m so thankful to God na in the midst of the pandemic, all these beautiful things is happening at the same time.”

Masasabi niya raw na talagang “blessed” siya sa bagong mundo na kanyang ginagalawan.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show