KHALIL RAMOS AT GABBI GARCIA, PROUD SA INSPIRASYON NA HATID NG KANILANG RELASYON SA IBANG TAO

“One Million Comments.”

Ito ang title ng unang proyektong pinagsamahan ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos buhat nang magsama sa GMA Artist Center.

Isa itong episode ng drama anthology na Regal Studio Presents.

Gabbi Garcia, Khalil Ramos celebrate 4th anniversary – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Sa totoong buhay, hindi raw sigurado ang dalawa kung umabot na ba sa isang milyon ang mga natatanggap nilang komento sa iba’t-ibang social media platforms. Pero gayunpaman, aminado ang dalawa na natutuwa sila sa tuwing nakakatanggap ng mga magandang komento individually or as a couple.

Ayon kay Gabbi, malaking bagay para sa kanya na dahil sa mga bagay na ginagawa niya ay may mga tao siyang naa-uplift ang spirit.

“Rewarding” daw para sa kanila sa tuwing may nagsasabing na-iinspire ang ibang tao sa kanilang relasyon. Hindi raw nila inaasahan na may dala palang inspirasyon sa ibang tao ang bawat bagay na kanilang ibinahabahagi.

Kwento ni Khalil Ramos, “Recently, may isang comment na tumatak sa akin na ipinadala ko kay Gabbi.

“Nag-start kami ng podcast, ikinuwento namin yung love story namin. May isang nag-comment, parang sabi niya, ‘I’m a 50-plus years old and I’m still single. This helped me a lot. Thank you for sharing your story.'”

🧃 on Twitter: "TEKA LANG NAMAN GABBI KHALIL,,,, ANG CUTE CUTE NIYO HUHU  🥺😍… "
Photo Source: Tempo.com.ph

Natutuwa raw sila na kahit papaano pala ay nakakatulong sila sa ibang tao.

“Yung mga comment na ganoon, hindi namin expected na may mga manonood na late 50s at, kahit papaano, nakatulong kami sa buhay nila.

“Isa yun sa mga nakakatuwang basahin,” dugtong pa ng aktor.

Hindi man nila nababasa at nasasagot ang lahat ng komento, sinisiguro ng dalawa na pinapahalagahan nila ang mga ito.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show