KATHNIEL ANNOUNCES TELESERYE COMEBACK

September 27, Monday, nang pormal na ianunsiyo ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang pagbabalik teleserye sa ABS-CBN pagkatapos ng halos apat na taon.

KathNiel announces teleserye comeback | PEP.ph
Photo Source: ABS-CBN

“Too Good To be True” ang title ng kanilang comeback serye. Ayon kay Kathryn, nagkaroon na raw sila ng story conference at nakatakda silang mag umpisa ng taping sa October.

Pahayag nito, “Finally, ia-aannounce na po namin na tuloy na tuloy na po ang teleserye namin. Mag-start na kami mag-taping this October. The title is Too Good To Be True at sana abangan niyo. We are really, really excited for this project.”

Excited na excited na raw ang KathNiel sa bagong proyekto nilang ito dahil sobra sobra ang kanilang paghahanda rito. Inabot daw ng halos isang taon bago ito tuluyang na-finalized.

Ani Daniel, “I’m not sure, basta nasa isang taon kaming nag-aayos ng script. Inaayos namin lahat with the team kung ano ‘yung gusto naming gawin, ano ba ‘yung gusto naming i-offer… Kung ano pa bang pwede naming gawin na something new for the people, para sa mga manonood. And now, nakagawa na kaming lahat ng isang magandang proyekto at isang magandang script and yes, ito na, gagawin na namin.”

Congrats sa ating ka-toktok, Kathryn and Daniel. Looking forward sa inyong  upcoming teleserye. D... - toktok_operator
Photo Source: Protect the results

Romantic-comedy raw ang genre ng kanilang serye kaya naman natutuwa ang dalawa dahil matagal na itong hinihintay ng kanilang mga fans.

Sa ngayon ay bumebwelo pa raw ang KathNiel dahil mas challenging ang paggawa ng mga proyekto ngayon. Gayunpaman, hiling nila ay ang safety ng bawat taong bubuo ng nasabing serye.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show