KATE JAGDON, KINUMPIRMA ANG HIWALAYAN NILA NI MUPH 2021 BEATRICE GOMEZ

Tuluyan nang binasag ng Cebu-based performance disc jockey na si Kate Jagdon ang kanyang katahimikan tungkol sa usap-usapang hiwalayan nila ng kasintahang si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story noong November 23, kinumpirma nito na tuluyan nang nagwakas ang kanilang lagpas anim na taong relasyon.

Who is Kate Jagdon? All about Miss Universe Philippines Beatrice Luigi  Gomez's girlfriend
Photo Source: Sportskeeda

“Bea and I have parted ways,” kumpirmasyon nito.

Mistulang ilang linggo na ang nakalipas buhat nang sila ay maghiwalay. Minabuti niya raw na manahimik muna dahil gusto niya ng pribadong buhay.

Aniya, “These past few weeks have been the most difficult time of my personal life.

“It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.”

Nagdesisyon daw siya na maglabas ng pahayag dahil baka magkaroon pa ng maling balita tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

Saad pa ni Kate Jagdon, “I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation.

“This statement will be short before rumours and falsifications get out of hand.

“I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more.”

Who is Beatrice Luigi Gomez's girlfriend Kate Jagdon?
Photo source: The Sun

Hindi nito binanggit kung ano ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan pero sinabi nito na hinahangad niya ay kabutihan para kay Bea.

“We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey,” mensahe niya.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na karamay niya ngyaong dumaraan siya sa matinding pagsubok. Hiling daw niya na sana ay respetuhin ng publiko ang kanyang privacy dahil gusto na niyang mag-move forward.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show