KASALAN SA INDIA, SANHI RAW NG PAGKAMATAY NG 63 MANOK?

Isinisisi ang isang kasalan sa India sa pagkasawi  ng 63 manok. Ang naganap na okasyon ay isang tradisyonal na kasalan sa nasabing bansa na mayroong maingay na musika, paputok, sayawan at marching brass band na nakasuot ng makikinang na jackets.

Ayon kay Ranjit Kumar Parida, napakalakas ng ingay ang nagmumula sa kasalan habang dumadaan ito sa poultry farm sa silangang estado ng Odisha.

“I requested the DJ to lower the volume as the music was too loud and was terrifying the chickens, but the groom’s friends shouted at me and instructed the DJ to increase the volume,” ang pahayag ni Parida sa AFP news agency.

“There were around 2,000 chickens on my farm. Each of the 63 chickens would be weighing around 3kg. I suffered a loss of around Rs 25,000 (£250),” ang dagdag niya.

Isang beterinaryo ang nagsabi kay Parida na namatay ang mga manok dahil sa atake sa puso. Nagsampa na si Parida ng reklamo sa pulisya matapos tanggighang magbayad ng mga wedding organizers sa pinsalang kanilang idinulot.

Si Zoology professor Suryakanta Mishra ay may akda ng libro tungkol sa animal behavior. Sinabi niya sa Hindustan Times na ang malalakas na tunog ay nakakadagdag ng panganib sa pagkakaroon ng cardiovascular disease sa mga ibon.

“Chickens are governed by a circadian rhythm that is controlled by the natural light/dark cycle of day and night,” ang pahayag ni Mishra.

“Sudden excitement or stress due to loud music could disrupt their biological clock,” ang dagdag niya.

Ang kuwento ng nangyaring kasalan ay may masayang pagtatapos puwera lamang sa nasawing mga manok. Kinumbinsi ng awtoridad ang dalawang partido na sila na ang umayos sa kanilang isyu.

“We have not initiated any action as (the poultry farmer) withdrew the complaint,” ang ibinalita ni police official Droupadi Das.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show