KA ORIS NG NPA, PATAY SA ENGKWENTRO KONTRA MILITAR SA BUKIDNON

Ang pinakamataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao ay napatay ng mga sundalo ng pamahalaan sa isang engkwentro sa Impasugong, Bukidnon noong Sabado (October 31).

Kinumpirma ng Army’s 4th Infantry Division at ng Bukidnon provincial police ang pagkasawi ni Jorge Madlos na kilala rin bilang si Ka Oris.

Ayon kay Major Gen. Romeo Brawner na kumander ng Army’s 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan de Oro City, ang kasama ni Madlos na si Eighfel Dela Peña ay napatay din sa insidente.

Ikinuwento naman ng mga lokal na opisyal na tinulungan ng mga residente ng barangay ang 403rd Infantry Brigade para matunton sina Madlos at kanyang mga tagasunod.

Si Madlos ay kumander at tagapagsalita ng National Operations Command (NOC) ng NPA. Siya rin ang tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF) ng Pilipinas.

Samantala, si Dela Peña ang tumatayong communication officer ng NOC ayon kay Brawner.

Si Madlos ay wanted sa ilang high-profile na kasong kriminal na nakabinbin sa iba’t-ibang korte ng Mindanao.

Samantala, sinabi ng chief information officer (CIO) ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Marco Valbuena na ang mga nabalitang pagkamatay ni Madlos ay bineberipika pa nila.

Para naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagkamatay ni Madlos ay isang malaking dagok sa grupong komunista.

“This is a major blow to the Communist Terrorist Group in Mindanao, and will usher in eventual peace in the region,” ang pahayag ng AFP.

Ayon sa 4th Infantry Division, ang engkuwentro ay naganap sa bulubunduking lugar ng Barangay Dumalaguing, Impasugong bandang 11:30 a.m ng Sabado (October 30). Tumagal ang palitan ng putok ng kalahating oras.

Natagpuan ang mga bangkay nina Madlos at Dela Peña sa clearing operations. Nakakuha rin ang mga sundalo ng M14 rifle, isang KG9 rifle, ammunition, iba pang war materials at iba’t-ibang pag-aari.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show