K-POP STAR CL, ANG BAGONG JOHNNIE WALKER AMBASSADOR

Ang Oktubre ay sadyang importanteng buwan para sa K-pop superstar na si CL dahil sa napipintong paglabas ng kanyang debut studio album na pinamagatang “Alpha.”

Bukod pa sa debut album, si CL ang piniling bagong ambassador ng global whisky brand na Johnnie Walker. Kinilala ng kompanya ang husay at pagiging positibo ni CL na nag-angat sa kanya para maging unang Korean solo female artist na makasama ang kanta niyang “Lifted” sa American Billboard Top 100 list.

“I’ve always hoped that by forging new paths, breaking down cultural barriers and challenging stereotypes, I could inspire others to never feel constrained by their background or the status quo they see in the world around them. I’m really excited to tell this story with Johnnie Walker because I recognize their 200-year history of pushing boundaries and challenging norms all over the world,” ang pahayag ni CL.

Ang kanyang tunay na pangalan ay Lee Chaerin. Nagdebut siya noong 2009 sa ilalim ng YG Entertainment bilang bahagi ng sikat na girl group na 2NE1. Ang grupo ay may apat na miyembro at isa rito ay ang dating Kapamilya artist na si Sandara Park. Umabot ng halos 10 taon ang grupo bago nagdisband noong 2017.

Dahil mahilig si CL sa highballs, naglunsad ang Johnnie Walker ng #JohnnieHighball Mix It Up contest na may kasamang bar cart set. Naglalaman ito ng ekslusibong bottle na pirmado ni CL kasama ang P50,000 worth na Johnny Walker whisky.

Ang mga nagbabalak na maging mixologists ay hinihimok na gumawa ng sarili nilang highball at magpost ng best photo sa kanilang Instagram feed. Ang mga contestant ay maaaring maghalo ng signature highball ng Johnnie Walker na the Johnnie & Lime. Maaari rin na gumawa ang mga contestant ng sarili nilang recipe.

Tatlong winners ang pipiliin base sa sumusunod na kategorya: The Picture Perfect Johnnie & Lime, The Bar-Ready #JohnnieHighball para sa orihinal highball recipes, at People’s Choice para sa mga posts na may pinakamaraming likes.

Limang winners naman ang pipiliin at random at makakakuha ng Johnnie Highball kit at P10,000.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show