JOSHUA GARCIA, GRATEFUL TO NGUYA SQUAD

Malaki raw ang pasasalamat ng aktor na si Joshua Garcia sa pagkakaibigang nabuo niya kasama ang ilang kapwa celebrity na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Sofia Andres, Ria Atayde, at Pat Sugui, o mas kilala bilang “Nguya Squad.”

Miyembro din nito sina Marco Gumabao, Gabbi Garcia, at Khalil Ramos.

In Photos: The "Nguya Squad" Is Bringing Squad Goals Back | Metro.Style
Photo Source: Metro Style

Ayon sa aktor, sobrang swerte niya raw na sa gitna ng kalungkutan at mga pagsubok na kanyang pinadaanan noong mga nakalipas na buwan, nandoon ang kanyang mga kaibigan upang damayan siya.

Kwento niya, “Sila kasi yung nandun para sa akin especially nung nag-pandemic. Nakakulong lang ako palagi sa kuwarto, di kasi ako mahilig lumabas.

“Laking tulong nung ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa.”

Bagamat pansamantala raw siyang nawala noon, hindi siya pinabayaan ng kanyang mga kaibigan.

Pagpapatuloy niya, “Sila rin kasi yung nandiyan nung time na nung may problema ako, sila yung nandiyan para sa akin.”

“Di sila nawala, aminado ako na nawala ako.

Sobrang laki raw ng kanyang pinagbago mula nang makasama niya ulit ang mga ito. Habang buhay niya raw itong ipagpapasalamta.

Ani Joshua Garcia, “Hayun, sobrang pasasalamat lang, sobrang grateful ko na nandiyan lang sila para sa akin.

“Sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila.”

Joshua Garcia, 'sobrang grateful' for Nguya Squad | Star Cinemaa
Photo Source: Star Cinema

Karamihan sa miyembro ng Nguya Squad ay real-life partner. Kaya naman marami ang nag-aabang kung sino ang magiging girlfriend ng aktor na ipapakilala sa nasabing grupo.

Kamakailan lamang nang aminin ni Joshua na nagkaka-usap sila ng sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi mula nang umamin ito na may crush sa kanya.

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Joshua pero sinabi nito na handa siyang maging kaibigan si Ivana.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show