JOHN LLOYD CRUZ, MASAYA PARA KINA ELLEN ADARNA AT DEREK RAMSAY

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang aktor na si John Lloyd Cruz kaugnay sa kasal ng dati niyang kasintahan na si Ellen Adarna at aktor na si Derek Ramsay.

Matatandaang November 11, 2021 nang maganap ang kasal ng dalawa sa isang mountain resort sa Bataan.

Kapansin-pansin ang magiging mailap ng aktor sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang buhay pag-ibig s amga interview ngunit sa episode ng Sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong November 21, sinagot ng aktor ang ilang katanungan ng batikang broadcaster na si Jessica Soho.

John Lloyd Cruz preps Kapuso special series
Photo source: GMA news

Hiningian ang aktor ng reaksyon tungkol sa ex-girlfriend niyang ikinasal na. Bagamat walang pangalan na nabanggit, malinaw na si Ellen Adarna ang itinutukoy nito.

Pahayag ni Lloydie, “Finally, she found the one.”

Bago pa man magpatuloy, nabanggit ng aktor na hangga’t maaari ay ayaw daw sanang niyang magbigay ng komento tungkol sa naging relasyon nila noon dahil tapos na ito. Ayaw niya ring magsalita tungkol sa personal na buhay ni Ellen dahil labas na siya rito. Tanging ang anak lang daw nila na si Elias ang nag-uugnyan sa kanila.

Paliwanag niya, “You have to put it in context, and I have to be very careful because that’s her life.

“Nagsisimula at matatapos sa anak namin yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya.

“Kaya when talking about her, I need to be very careful,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, sinabi ng bagong Kapuso actor na masaya siya para sa dalawa at hiling niya ang masayang buhay at pagsasama para sa mga ito.

Ellen Adarna and Derek Ramsay are now married
Photo Source: Yahoo.com

Ani John Lloyd Cruz, “Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world.

“And I wish them both a strong and fun marriage.

“Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Hindi sinagot ng aktor kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Ellen pero dahil sa mga napagdaanan niya masasabi niya na totoo raw ang kanyang buhay at hindi isang pelikula.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show