JOHN ARCILLA, NEVER TUMANGGAP NG PROJECT DAHIL SA PERA

Proud na ibinahagi ng award-winning actor na si John Arcilla na never siyang tumanggap at gumawa ng proyekto para sa “pera-pera lang.”

Isa raw iyon sa natutunan niya sa direktor at Star Magic mentor na si Lauren Dyogi.

John Arcilla Comments - Celebs - Linkeddb
Photo Source: Linkddb

Pagbabalik-tanaw ng aktor, “Sabi niya, you do projects because of friendship, because of prestige, because of money.

“It is lucky for you as an actor to have those three in one project: friendship, prestige, and money.”

Aminado ang aktor na may pagkakataon minsan na hindi niya gusto ang ideya ng isang proyekto pero gagawin pa rin niya para sa kaibigan at gagawan na lamang ito ng paraan.

Aniya, “You know what will I do, hahanapan ko iyon ng isang interesting na bagay doon sa character ko o sa story na iyon, which I can expand and explore.”

Kahit papaano ay maswerte pa rin naman daw ang aktor dahil karamihan ng mga proyektong dumarating sa kanya ay maganda ang prestige, at maayos ang fee.

Pero paglilinaw niya, wala pa siyang nagawang proyekto na para lang sa pera.

Movie on Antonio Luna inspires historical, cultural awakening
Photo Source: CNN Philippines

Ani John Arcilla, “Never pa yata ako nagkaroon ng ganung project na iyong parang sabi ko, ‘Sige na nga lang, para sa ano na lang ito, pera-pera na lang.’”

“Luckily, wala pa naman sa aking naibigay na project na para sa ganun lang. Mostly ganun, e, iyong tatlong iyon iyong combination,” dugtong pa niya.

Proud din na ibinahagi ng aktor na mula nang gumanap siyang lead role sa pelikulang Heneral Luna, tumaas na raw ang kanyang talent fee at hindi na rin siya tinatawaran.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show