JENNICA GARCIA AT ALWYN UYTINGCO, NAGKABALIKAN NA?

Masayang ibinahagi ng aktres na si Jennica Garcia na inaayos na nila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco ang kanilang pagsasama.

Ito ay matapos isapubliko ilang buwan na ang nakalilipas ang tungkol sa kanilang hindi pagkakaintindihan na nauwi sa hiwalayan.

Jennica Garcia nakipag-usap kay Alwyn Uytingco para ayusin ang kanilang  marriage | PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!
Photo source: Push.com.ph

Matatandaan na si Jennica ang nagkupirma noon ng kanilang hiwalayan. Lumipat din ito ng bahay kasama ng kanilang dalawang anak at ibinenta rin ang ilang mga gamit.

Mula noon ay naging tahimik ang isyu ngunit nasa kanila pa rin ang mata ng publiko.

Samantalang pagkatapos ng anim na buwan, kinumpirma ng aktres na nasa proseso sila ni Alwyn ng pagbabalikan. Ibinahagi niya ito sa naganap na mediacon ng Las Hermanas.

Aniya, “We are looking into the Lord for breakthrough. So, yun po.”

Napapadalaw ang sightings ng dalawa sa pampublikong lugar pero nang tanungin si jennica kung nagsasam ana ba silang muli, tumanggi itong sumagot.

Paki-usap niya, “Yun na lang muna po.”

Ayaw daw muna niyang magdetalye dahil natatakot siyang mapag-usapan na naman sila sa social media.

No one is too old to stop living': Jennica Garcia drops husband's surname,  wipes their photos together | ABS-CBN News
Photo Source: ABS-CBN News

“Kinakabahan po kasi ako kapag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan.

“As much as I’d like to say that I don’t really care about what other people say, I think in my entire life, ito yung moment sa buhay ko na I’m not really in my best mental state.

“Kaya po I try to keep my answer short. Pasensiya na po kayo,” dugtong pa ni Jennica Garcia.

Samantalang sa isa namang post, nagpasalamat si Alwyn sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kanyang asawa upang mabuo ang kanilang pamilya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show