JANELLA SALVADOR UMAMING HINDI NA SILA NAG-UUSAP NI JULIA BARRETTO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang actress-performer na si Janella Salvador sa tunay na estado ng kanilang pagkakaibigan ng kapwa aktres at dating kaibigan na si Julia Barretto.

Sa “Drink or Spill” vlog ng celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan, nabanggit ang pangaaln ni Julia at natanong ang aktres kung kumusta ba ang kanilang samahan.

Fashion PULIS: Face Off: Janella Salvador vs Julia Barretto
Photo Source: Fashion Pulis

Hindi naman nagdalawang isip si Janella at sinabing hindi na sila nag-uusap ng dating kaibigan.

“Ah! May ganon. Okay, sasagutin ko, sige,” anito.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ni Julia. There was an issue before… hindi ko na sasabihin pero alam niyo na ‘yun,” dagdag pa ni Janella.

Matatandaan nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nina Julia, Janella, at Joshua Garcia nang mapansin ng publiko na in-unfollow ni Julia ang dalawa.

Kasagsagan ito ng seryeng The Killer Bride kung saan magka-loveteam sina Joshua at Janella. Sa isang panayam, walang binanggit si Julia sa dahilan ng kanyang pag-unfollow pero sinabi nito na suportado niya raw ang dalawa.

Kwento pa ni Janella, nag-reach out daw noon si Julia sa kanya nang malaman na buntis siya pero doon na natapos ang kanilang komunikasyon.

Star Magic on Twitter: "Joshua Garcia, Julia Barretto and Janella Salvador  at Mr. M's intimate birthday gathering. #MrMagic https://t.co/9VZal3DiBl…  https://t.co/VJsSrBUbep"
Photo Source: Star Magic

Ani Janella Salvador, “Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin.”

Gayunpaman, sinabi ng atres na bukas siya na maging maayos ang relasyon nilang dalawa at maging magkaibigan muli.

Aniya, “If we ever cross paths again, then why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap.”

Sa ngayon ay naka-follow na muli si Julia sa Instagram account ng dalawa.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show