JAMES YAP, CERTIFIED VLOGGER NA

September 16, nang tuluyang ilunsad ng professional basketball player at businessman na si James Yap ang kanyang YouTube channel.

Sa kauna-unahan niyang vlog, ibinahagi ng basketbolista ang kanilang sitwasyon sa kanilang bubble para sa Philippine Basketball Association’s (PBA) season 46. Ipinakita rin nito ang kanilang routine at training kasama ng kanyang mga teammate sa Rain or Shine Elasto Painters.

James Yap on his life in a PBA bubble: ‘Tiis tiis lang para makapagbigay ng saya’
Photo Source: YouTube James Yap

“Sa mga hindi nakakaalam, bubble kami dito sa Pampanga. So ito yung place namin kung saan kami nag-i-stay. Tatlong villas in-occupy namin para sa 25 katao. May pool kung saan kami nag-wo-workout. Ito yung buhay namin. Wala kaming fixed na schedule. Minsan umaga, minsan hapon, minsan ganitong oras, gabi,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa kanya, medyo nahirapan lang daw silang mag adjust sa bubble noong una dahil hindi sila sanay sa ganitong setup. Pero kailangan lang daw ng konting sakripisyo para makapagpasaya ng mga tagahanga.

Ani James Yap, “Hindi kami makalabas. Ang ginagawa namin practice at bahay lang. Ganun talaga. Tiis tiis lang para makapagbigay ng saya sa ating mga supporters sa PBA. Makapagbigay saya sa mga fans ng Rain or Shine.”

Todo ingat din daw sila ngayon upang hindi magkaroon ng kahit anong injury at upang nakaiwas na rin sa novel coronavirus.

Bilang first time vlogger, aminado si James na hindi pa rin siya sanay na humarap sa camera. May isang pagkakataon daw na tinatawanan siya ng kanyang mga team mate dahil salita siya nang salita pero hindi naman pala naka-record ang camera.

Gayunpaman, happy naman si James nsa kanyang bagong journey. Natutuwa raw siya na maibahagi sa kanyang fans kung ano ang nangyayari sa kanyang buhay.

Watch here:

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show