JAMES CORDEN, NA-BASH DAHIL SA NEGATIBONG KOMENTO LABAN SA BTS

Binabatikos ngayon ang popular na TV host na si James Corden dahil sa kanyang negatibong komento kontra sa K-Pop superstars na BTS.

Kung dati ay pinupuri ng ARMYs (BTS fans) ang British host dahil sa kanyang naging suporta sa Korean group, ang kanyang mga huling komento sa “The Late Late Show With James Corden” ay nagdulot ng galit sa panig ng mga ARMYs.

Matatandaan na muling napamahal ang BTS sa ARMYs sa buong mundo matapos silang magtanghal sa 76th United Nations General Assembly sa New York. Pinuri din sila dahil sa kanilang makabuluhang talumpati na nagbibigay pag-asa sa mga bata at kabataan.

Gayunpaman, hindi nagustuhan ng ARMYs ang sinabi ni James Corden sa kanyang show laban sa kanilang idol group. Para sa karamihan, isa itong kawalang respeto sa BTS.

“The UN General Assembly kicked off this morning in New York City. And it started with some pretty unusual visitors: BTS was there, BTS visited the UN,” ang pahayag ni Corden sa kanyang show.

Bagama’t parang pinuri ng TV host ang grupo dahil sa dami ng views para sa kanilang performance, inaakala ng karamihan na hindi ito tapat na papuri.

Ang mga sumunod na komento ni Corden ay lalo pang nagpagalit sa ARMYs. Sinabi niya kung paano niya ipapaliwanag sa mga UN officials kung bakit napakasikat ng BTS.

“The world leaders have no choice but to take BTS seriously. At the end of the day, BTS has one of the largest ARMYs on planet Earth. Historic moment, it actually marks the first time 15-year-old girls everywhere found themselves wishing they were Secretary-General Guterres,” ang sinabi ni Corden.

Matapos i-post ang video clip online, maraming ARMYs ang nagbahagi ng kanilang opinyon sa komento ng TV host.

SOURCE: @byulbitpjm twitter

Para sa mga ARMYs, si Corden ay katulad din ng iba pang hosts. Hindi siya totoong BTS fan dahil sa kawalan niya ng respeto sa mga nagawa ng BTS at ang pagmamahal ng ARMYs sa mga miyembo ng grupo.

Wala pang pahayag si Corden o ang show tungkol sa naging komento ng host. 

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show