INA NI AJ RAVAL, MAY MENSAHE KAY ALJUR ABRENICA

Naglabas ng saloobin ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang anak at ng aktor na si Aljur Abrenica.

Matatandaang kamakailan lamang ng aminin ni AJ na nilalagawan na siya ni Aljur.

AJ Raval's mother thanks Aljur Abrenica for breaking silence
Photo Source: Yahoo News

Matapos ang naging pahayag ni Aljur sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla, sinabi ni Alyssa hindi na siya nagulat sa inilabas na pahayag ng aktor dahil umpisa pa lang daw ay alam na niya ang buong kwento.

Panimula ni Alyssa, “He told me everything from the start, para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin.

“Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap.”

Inamin nito na nasasaktan siya para sa kanyang anak dahil samu’t saring pambabatikos daw ang natanggap nito sa publiko. Napagbintangan pa raw na third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

“I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo.

“kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari.

“Para lang wag na lumaki pa,” ani Alyssa Alvarez

Kaya naman daw ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat na nagdesisyon na si Aljur na basagin ang kanyang katahimikan sa kontrobersiyang kanilang kinakaharap.

Photo Source: Facebook Alyssa Alvarez

Masaya raw siya dahil tinupad nito ang pangako na hindi sila pababayaan at poprotektahan.

Aniya, “Pero nag papasalamat Ako ‘anak’ kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan..

“alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo..”

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show