HIGANTENG SAGING SA PANGASINAN, KASINGHABA NG KALAHATING BRASO NG TAO!

Isang dambuhalang saging na kasinghaba ng kalahating braso ng tao ang makikita sa Asingan, Pangasinan.

Ibinahagi ng Facebook page “PIO Asingan” ang ilang larawan ng higanteng prutas na may haba ng 16 pulgada.

Sa isang panayam ng GMA News, ang may-ari ng puno na si Winnie Tarangco ng Barangay Cabalitian ay nagulat rin sa nakitang napakalaking bunga nito.

“Siyempre nagulat po kami. Ikaw ba naman makakita ng kasing laki ng apo ko na halos magfa-five months pa lang eh kasing laki niya?” ang pahayag ni Winnie.

“Kaya sabi ko, ang laki at ang haba naman ng saging na ‘to,” ang dagdag niya.

Ikinuwento rin ni Winnie na may bigat ito mula tatlo hanggang apat na kilograms. Inabot sila ng isang linggo bago nila naubos ang buong prutas.

“Sa haba nga nito hindi ko kayang ubusin kung ako lang mag isa, hindi yan kagaya ng normal na saging natin na isang kainan lang. Yan talaga hindi mo kayang kainin sa isang araw na kakainan,” ang salaysay ni Winnie.

Ayon pa kay Winnie, iba ang lasa ng higanteng saging kumpara sa normal na saging na tumutubo sa kanilang lugar.

“Matamis po siya… Hindi po siya pangkaraniwan na saging na ‘di ba may puso ‘yung saging natin na tumutubo po sa atin? Siya wala,” ang sinabi niya.

Ayon sa municipal agriculturist ng Asingan na si Ernesto Pascual, ang dambuhalang saging ay isang uri ng giant plantain na kilala bilang “tindok.” Ito ay isang uri ng higanteng prutas na namumunga lamang tuwing 11 buwan.

Nilinaw din ni Pascual, na ang dambuhalang prutas ay hindi para sa commercial purposes kundi mas angkop ito bilang ornamental plant. Karaniwang tumutubo ang tindok sa mga tropical na bansa tulad ng Pilipinas at iba pang parte ng Asya.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show