HERBERT BAUTISTA, TATAKBONG SENADOR NGAYONG HALALAN 2022

Pormal nang naghain ng kandidatura bilang senador ang actor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Muling susubukang pumasok sa pulitika ni Herbert sa ilalim ng senatorial slate nina Senator Ping Lacson at Senator Tito Sotto na tatakbo bilang Presidente at Bise-presidente sa halalan 2022.

Herbert Bautista seeks Senate seat in 2022 | Philstar.com
Photo Source: Philstar

Pinasalamatan ng dating mayor ang mga taong sumuporta at tumulong sa kanya sa nakalipas siyang paninilbihan sa publiko sa loob ng halos tatlong dekada.

Pahayag nito, “I’d like to thank the people of Quezon City – from the security guards to the magta-taho, to the tricycle drivers, to the barangay leaders, to the elected city leaders. Maraming maraming salamat po at naging bahagi kayo ng buhay ko.

“Marami po akong natutunan sa inyo at sana po ay tulungan n’yo pa rin ako sa panibagong yugto ng aking buhay upang makatulong naman tayo sa mas nakakarami, hindi lamang Quezon City kundi ang buong bansa.

“Sa muli, maraming maraming salamat po and God bless you all,” dugtong pa nito.

Sa nakalipas na panayam sa aktor, napag-usapan ang napapadalas na pagpasok ng mga artista sa pulitika kaya naman nagbigay ito ng kanyang opinyon at payo sa mga ito.

Ayon sa kanya, kailangan daw na maging handa ang mga ito sa larangan na kanilang papasukin. Hindi raw sapat na puhunan ang “kasikatan” at kailangan nilang maghanda at mag-aral.

Ex-QC mayor Herbert Bautista joins Senate race | ABS-CBN News
Photo Source: ABS-CBN News

Ani Herbert Bautista, “So kung meron tayong mga kasama, mga kapatid natin na nasa industriya, it’s not enough na sandigan natin yung katanyagan natin. Kailangan nating maghanda, kailangan nating mag-prepare. Kasi masakit pagsabihan na, ‘Kaya naman naging ano yan kasi artista yan.’ That’s very very offensive.”

Para raw maiwasan ang pangmamaliit sa mga artista, kailangan na maghanda ang mga ito sa kanilang papasukin.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show