HEAVEN PERALEJO, IN-UNFOLLOW NA RIN SI KIKO SA INSTAGRAM

Mas lalong napatunayan ng publiko na tila totoo nga ang ‘di umano’y hiwalayan ng controversial couple na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Ito ay matapos ding i-unfollow ng Kapamilya actress si Kiko at tuluyan nang burahin ang kanilang mga larawan sa account nito.

Kiko Estrada, Heaven Peralejo

Unang pumutok ang nasabing hiwalayan tatlong araw matapos mag-celebrate ang dalawa ng kanilang 3rd monthsary noong August 30, 2021. Nagpalitan pa ang dalawa ng sweet messages sa Instagram noong araw na iyon ngunit ilang araw ang nakalipas nang mapansin ng netizens na tila hindi na pina-follow ng aktor si Heaven sa Instagram at burado na rin ang kanilang mga larawan sa account nito.

Kiko Estrada, Heaven Peralejo

Nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa nasabing isyu ngunit mayroong isang interview si Heaven kung saan sinabi niya na naka-focus siya ngayon sa kanyang sarili dahil sa mala-rollercoaster ride na kanyang pinagdaanan nitong mga nakalipas na buwan.

Saad niya sa nasabing panayam, “The past few months, I guess, it was a rollercoaster.

“And right now, I’m in the phase of loving myself.”

Kiko Estrada, Heaven Peralejo

Marami ang nagsasabi na tila ito na raw ang kumpirmasyon ni Heaven na talagang natapos na ang relasyon nila ni Kiko. Mas lalo lamang itong napatunayan nang mapansin ng netizens na hindi na rin niya pina-follow si Kiko at nag-delete na rin ito ng mga larawan nila sa Instagram.

May iilang natuwa dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon at sinabing tila mabilis daw na dumating sa kanila ang karma. Ngunit, may iilan naman na nagsasabing pakulo lang daw ito ng dalawa upang matigil ang pambabatikos sa kanila.

Like and Share!

In case you missed...

No more posts to show

In case you missed...

No more posts to show